Rosmar Tan, may matapang na pahayag tungkol sa akusasyong money laundering

Rosmar Tan, may matapang na pahayag tungkol sa akusasyong money laundering

  • Mariing itinanggi ni Rosmar Tan ang mga akusasyong iniuugnay sa kanya sa money laundering at sinabing handa siyang magbigay ng ₱100 milyon sa sinumang makapagpapatunay na siya ay kasangkot o may kinalaman sa naturang ilegal na gawain
  • Inilahad ng social media personality at negosyante ang kanyang panig sa session 35 ng "Your Honor" kasama si Ms. Tsung, kung saan tinalakay ang kanyang negosyo, pagyaman, at ang mga isyung matagal nang ibinabato laban sa kanya sa social media
  • Ayon kay Rosmar, ang lahat ng kanilang naipundar ng kanyang asawang si Jerome Pamulaklakin ay bunga ng negosyo, pagsisikap, at mahabang panahon ng pagtatrabaho, kaya wala umano siyang dahilan upang gumawa ng anumang ilegal na paraan para kumita ng pera
  • Ipinahayag din niya ang kanyang pangamba na naaapektuhan ng mga paratang hindi lamang ang kanyang reputasyon kundi maging ang pananaw ng ibang tao sa kinabukasan at mga naipundar nila para sa kanilang mga anak, bagay na aniya ay hindi patas dahil walang basehan ang mga ibinabatong akusasyon

Read also

Boy Tapang, ninakawan umano ng college student na kaniyang empleyado

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng matapang na pahayag ang social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan matapos muling maungkat ang mga akusasyong iniuugnay sa kanya tungkol sa umano'y money laundering.

Rosmar Tan, may matapang na pahayag tungkol sa akusasyong money laundering
Rosmar Tan, may matapang na pahayag tungkol sa akusasyong money laundering (📷Rosemarie Tan Pamulaklakin/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang paglahok sa session 35 ng programang "Your Honor" na pinangungunahan nina Chariz Solomon at Buboy Villar, kasama ang kapwa social media personality at negosyanteng si Ms. Tsung, naitanong kay Rosmar ang ilang isyu tungkol sa kanyang negosyo at kung paano niya napalago ang kanyang yaman.

Isa sa mga tinalakay ay ang matagal nang akusasyon ng ilang kritiko na umano'y may kaugnayan siya sa money laundering.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mariin itong pinabulaanan ni Rosmar at iginiit na ang lahat ng kanilang naabot sa buhay ay bunga ng lehitimong paghahanapbuhay.

Ayon sa kanya, handa siyang magbigay ng malaking pabuya kung may makapagpapatunay sa mga paratang.

“Sabi ko nga, magbibigay ako ng ₱100 million kung totoo, kung mapapatunayan n'yo na kasabwat ako o kasangkot ako sa money laundering.”

Read also

Prominenteng personalidad sa Batangas, tinukoy na umano sa kaso ni Charles Usi

Sinabi rin niya na hindi siya gaanong naaapektuhan ng mga pambabatikos dahil alam niya ang katotohanan tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Ipinaliwanag ni Rosmar na nalulungkot siya kapag may mga taong agad humuhusga sa mga naipundar nila ng kanyang asawa na para bang nagmula umano ito sa hindi tamang paraan.

“Porke't kinukuha akong endorser ng mga politician, kumbaga ganiyan, na-connect agad nila. Kawawa naman pala yung mga anak ko na ang iniisip nila, in a way na, yun palang mga pundar namin sa magandang future, eh iniisip nila na galing sa ganun.”

Dagdag pa niya, nananatili siyang kampante dahil alam niyang wala siyang ginawang mali.

“Sabi ko, never nilang mapapatunayan dahil alam ko sa sarili ko na never kong gagawin 'yan. Never akong magpapakain sa mga bata, sa mga anak ko, na galing sa maruming paraan!”

Sa panayam, muling binigyang-diin ni Rosmar na ang kanyang tagumpay ay nakaugat sa negosyo at pagsusumikap. Kilala siya bilang isa sa mga social media personalities na matagumpay ring nakapagtayo ng iba't ibang negosyo habang patuloy na lumalawak ang kanyang online presence.

Read also

Pahayag ni Ate Gay tungkol sa Celebration of Life, muling pinag-usapan

Samantala, ayon sa Republic Act No. 9160 o Anti-Money Laundering Act of 2001, na inamyendahan, ang money laundering ay tumutukoy sa mga transaksyon na naglalayong pagtakpan o gawing tila lehitimo ang pinagmulan ng pera o ari-ariang nagmula sa ilegal na gawain.

Sa mas simpleng paliwanag, ito ay proseso kung saan ang perang nagmula sa ilegal na aktibidad ay ipinapadaan sa iba't ibang transaksyon upang magmukhang legal ang pinagkunan nito.

Sa kabila ng mga paratang na lumilitaw online, walang binanggit na ebidensiya sa panayam na mag-uugnay kay Rosmar sa naturang ilegal na gawain. Sa ngayon, nananatili ang kanyang paninindigan na ang kanyang kabuhayan at mga ari-arian ay resulta ng legal na negosyo at pagsisikap.

Bukod sa usaping ito, naging laman din ng mga balita si Rosmar dahil sa ilang viral na isyu na kanyang nilinaw sa publiko.

Naglabas ng paliwanag si Rosmar matapos makatanggap ng batikos kaugnay ng isang viral video habang nasa business class flight. Maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon tungkol sa naturang video. Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag niya ang konteksto ng sitwasyon upang linawin ang mga kumakalat na haka-haka. Naging sentro rin ito ng talakayan sa social media.

Read also

Kris Aquino ipinaliwanag kung bakit Aquino at hindi Yap ang mas gamit ni Bimby

Isa pang isyung nilinaw ni Rosmar ay ang tungkol sa magkaibang upuan ng kanyang mga anak habang nasa eroplano. Maraming netizens ang nagtanong tungkol dito matapos makita ang ilang larawan at video online. Ipinaliwanag ng negosyante ang tunay na sitwasyon upang mabigyan ng tamang konteksto ang publiko. Umani rin ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa kanyang mga tagasubaybay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate