Ina ni Mika dela Cruz, pinabulaanan ang balitang buntis umano ang anak niya

Ina ni Mika dela Cruz, pinabulaanan ang balitang buntis umano ang anak niya

- Pinabulaanan ng ina ni Mika dela Cruz ang bali-balitang nagdadalantao umano si Mika

- Kasunod ito ng paglabas ng picture nina Mika at Nash kamakailan na kuha sa kasal ng kapatid ni Mika

- Ayon sa ina ni Mika walang katotohanan iyon at matagal na itong pang-iintrigang ito sa kanyang anak

- Aniya, kung totoo ito ay dapat nanganak na si Mika dahil sa hindi pa rin natitigil na isyung ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinabulaanan ng ina ni Mika dela Cruz ang kumakalat na balitang buntis umano ang aktres. Ito ay matapos lumabas ang picture nina Mika at Nash Aguas na kuha sa kasal ng kapatid ni Mika.

Ina ni Mika dela Cruz, pinabulaanan ang balitang buntis umano ang anak nya
Ina ni Mika dela Cruz, pinabulaanan ang balitang buntis umano ang anak nya (@mikadlacruz)
Source: Instagram

Ayon sa ulat ng Bandera, sinabi umano ng ina ng aktres na naging isyu din ito noon at kung totoo ito ay di sana nanganak na si Mika.

Read also

Wilbert Tolentino, ibinahagi ang pangangalaga sa kanila ng Filipino community sa Uganda

“Mika is not pregnant. That was the issue before too, she should have a baby by now

Matatandaang lumabas din ang isyung ito matapos ang tila pamamahinga ng aktres sa pag-post sa social media at sa kanyang YouTube channel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa picture naman na nilabas ni Angelika dela Cruz, ang ate ni Mika, makikita din si Mika kasama ang kanyang pamilya.

Ayon sa Cosmopolitan.ph, nitong Oktubre ng kasalukuyang taon ay nagdiwang ng ika-apat na taon bilang magkarelasyon sina Nash at Mika.

Naibahagi din sa Push ang kanilang bakasyon sa Palawan upang ipagdiwang ang kanilang 4th anniversary.

Naging bahagi ng showbiz si Nash sa kanyang edad na limang taong gulang sa noontime variety show MTB, matapos niya sumali sa paligsahan sa Batang F4 ng programa. Noong 2004, sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kung saan nanalo siya ng titulong "Grand Kid Questor". Kilala siya bilang mainstay sa Sunday comedy gag show na Goin 'Bulilit.

Read also

Bea Alonzo, todo puri ni Cristy Fermin; "Sobra ang biyayang dumarating"

Matatandaang nilinaw mismo ni Ogie Diaz kay Nash kung totoo ang napapabalitang buntis umano ang girlfriend nitong si Mika Dela Cruz. Noon pa mang 2021 ay naging maugong na ang balitang nagdadalang-tao ang aktres at ang ama ay ang konsehal ng Cavite. Agad namang pinabulaanan ito ni Nash at nagtaka kung bakit hanggang ngayo'y iyon pa rin ang inaakala ng marami. Paliwanag ni Ogie na dahil medyo 'biggie' daw si Mika na siyang pinagbabasehan ng marami kung bakit nasasabing ito ay buntis.

Samantala, sa isang panayam ni Bernadette Sembrano kay Nash, inamin ng aktor na handa na itong pakasalan si Mika. Sa naturang panayam, naitanong kay Nash kung kailan ang plano nito na pakasalan ang nobya. Aniya, handa na siya at hinihintay na lamang niya si Mika kung kailan ito handa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel