Ogie D, sinabing hindi buntis si Mika Dela Cruz ayon sa BF nitong si Nash Aguas

Ogie D, sinabing hindi buntis si Mika Dela Cruz ayon sa BF nitong si Nash Aguas

- Nilinaw mismo ni Ogie Diaz kay Nash Aguas kung totoo ang napapabalitang buntis umano ang girlfriend nitong si Mika Dela Cruz

- Noon pa mang 2021 ay naging maugong na ang balitang nagdadalang-tao ang aktres at ang ama ay ang tumatakbong konsehal ng Cavite

- Agad namang pinabulaanan ito ni Nash at nagtaka kung bakit hanggang ngayo'y iyon pa rin ang inaakala ng marami

- Paliwanag ni Ogie D na medyo 'biggie' daw ngayon si Mika na siyang pinagbabasehan ng marami kung bakit nasasabing ito ay buntis

- Subalit ngayong magbabalik na raw ito ng trabaho, nagsisimula na rin daw itong mag-workout

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakausap mismo ni Ogie Diaz si Nash Aguas kaugnay na napapabalitang nagdadalang-tao ang nobya niyang si Mika Dela Cruz.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napag-usapan nina Ogie D, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang Showbiz Updates ay ang umano'y pagbubuntis ng aktres.

Read also

Sen. Joel Villanueva, naiyak nang inalala ang pumanaw na kapatid na si Mayor Joni

Ogie Diaz, nilinaw kay Nash Aguas ang balitang buntis umano ang GF na si Mika Dela Cruz
Photo: Ogie Diaz
Source: UGC

Ayon mismo kay Nash, wala itong katotohanan at nagtaka rin na hanggang ngayon, ito pa rin ang napapabalita.

"Kausap ko nga si Nash Aguas. Sabi niya sa akin kasi may blind item, 'O last year pa 'yan e na na-blind item si Mika na buntis daw, ngayon may lumabas na naman?' Oo may lumabas na naman, di totoo yan tito Ogie," paglilinaw ng dating child star na ngayo'y tumatakbo bilang konsehal ng Cavite City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag pa ni Ogie D, tila 'biggie' raw umano ngayon si Mika na siyang naging basehan ng mga ispekulasyong nagdadalang tao ito ngayon.

"Medyo biggie lang si Mika ngayon. Dahil nga sa lumaki. Lumaki kasi siyempre alam mo na, wala pang work. Stay sa bahay so medyo biggie siya," ani Ogie.

Read also

Manny Villar at Willie Revillame, namataang magkasama kasunod ng pahayag ng GMA-7

Subalit ngayon, nagsisimula na raw ito sa kanyang fitness journey lalo na at magbabalik na raw ito sa pagtatrabaho.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Kamakailan, nakapanayam ni Ogie D si Senator Joel Villanueva na kanyang na-prank sa pagkukunwari niyang sumama ang pakiramdam at nais niya biglang magpa-COVID-19 test makikita ang bahagyang pag-aalala ng senador.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel