Manny Villar at Willie Revillame, namataang magkasama kasunod ng pahayag ng GMA-7

Manny Villar at Willie Revillame, namataang magkasama kasunod ng pahayag ng GMA-7

- Lalong naging matunog ang bali-balitang sa TV network na pagmamay-ari ni dating senator Manny Villar lilipat si Willie Revillame

- Ito ay matapos lumabas ang picture nilang magkasama nang bisitahin ng dating senador si Willie kasama ang kanyang anak na si Cong. Camille Villar

- Matatandaang kamakailan lang ay inilabas ng GMA-7 ang anunsiyo tungkol sa pagtatapos ng kontrata ng TV host at kung hanggang kailan lamang mapapanood ang kanyang TV show

- Sa kasalukuyan ay wala pang pormal na pahayag na inilabas ang kampo ni Willie ngunit base sa mga post ni Anna Feliciano, hiling niya na suportahan pa rin umano sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa paglabas ng mga litrato ni Willie Revillame kasama ang dating senador na si Manny Villar at anak nitong si Cong. Camille Villar, lalong naging maugong ang balitang sa TV network na pagmamay-ari ni dating senator lilipat si Willie.

Read also

Bagong TikTok video ni Andrea Brillantes, tumabo sa mahigit 3M views

Matatandaang kamakailan lang ay inilabas ng GMA-7 ang anunsiyo tungkol sa pagtatapos ng kontrata ng TV host at kung hanggang kailan lamang mapapanood ang kanyang TV show.

Manny Villar at Willie Revillame, namataang magkasama kasunod ng pahayag ng GMA-7
Willie Revillame at Manny Villar (Photo from: Anna Feliciano)
Source: Facebook

Sa kasalukuyan ay wala pang pormal na pahayag na inilabas ang kampo ni Willie ngunit base sa mga post ni Anna Feliciano, hiling niya na suportahan pa rin umano sila.

Narito naman ang komento ng mga netizens kaugnay sa pagkikitang ito ng dalawa:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malakas pakiramdam ko na noontime ilalagay to. Kasi yan talaga gusto ni Willie dahil nasa noontime ang pera. Itatapat sa EB at IS at LOL.
Nung nagka problema si Willie sa completion ng Wil tower kasi nawala sya sa abs cbn si Manny Villar ang sumalo sa kanya
Biggest sponsor ni Willie ang Camella homes. No wonder dun sya sa station ng mga Villar

Read also

Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime, at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel