Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin

Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin

- Matapos maging usap-usapan ang umano'y viral na Instagram story ni Kyle Echarri kasama sina Andrea Brillantes at Darren Espanto, marami sa fans ni Darren ang umalma

- Maging ang tita ni Darren na si Vicky Gonzales Real ay hindi napigilang maglabas ng saloobin sa pagkakadawit ng kanyang pamangkin

- Kinuwestiyon niya kung ano ang motibo ng taong hindi na niya pinangalanan sa pagbahagi ng picture nila at agad na pagbura din nito

- Pinasalamatan naman niya ang mga tagasuporta ng kanyang pamangkin na si Darren sa gitna ng mga intrigang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ang screenshot ng umano'y mensahe ng tita ni Darren Espanto na si Vicky Gonzales Real. Ito ay kaugnay sa pagkakakadawit ng kanyang pamangkin sa isyu dahil sa Instagram post ni Kyle Echarri sa kanyang IG story.

Read also

Robin Padilla, napakanta at napasayaw sa 'truth or dare' sa kanya ni Aiko Melendez

Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin
Darren Espanto (@darrenespanto)
Source: Instagram

Ang tinutukoy nitong litrato ay ang picture nilang magkakaibigan. Kasama si Darren sa picture nina Kyle at Andrea. Binura man ni Kyle ang kanyang IG story, agad namang nakapagscreenshot ang ilang mga netizens kaya agad itong kumalat at nag-viral.

Kinuwestiyon niya kung ano ang motibo ng taong hindi na niya pinangalanan sa pagbahagi ng picture nila at agad na pagbura din nito.

“You are passing on the torch to Darren? Leave Darren alone!!!! (You posted then deleted? What for?).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan naman niya ang mga tagasuporta ng kanyang pamangkin na si Darren sa gitna ng mga intrigang ito.

Thank you po mahal naming Darrenatics around the world. Maraming salamat po sa malasakit at pagmamahal niyo po kay Darren. Sa mga mabibilis na nag-message sa akin, pasasalamat po ang hatid ko sa inyong lahat. (Already properly dealt) God bless everyone and stay safe and healthy po lagi.

Read also

Heaven Peralejo, ibinahagi ang kanyang trip kasama ang kanyang "new baby"

Si Darren Lyndon Gonzales Espanto ay isang Filipino-Canadian singer. Isa din siyang aktor. Una siyang sumali sa singing competition sa kanyang edad na sampung taong gulang kung saan nanalo siya sa competition sa Edmonton na pinamagatang Masters Finals of the Pinoy Singing Sensation.

Naimbitahan si Darren bilang guest performer sa grand finals ng Singer 2019 sa China noong April 2019. Isa din siya sa napili ng Disney para kumanta ng resndition ng "A Whole New World" kasama si Morisette Amon bilang bahagi ng promotion ng pelikulang Aladdin noong May 2019.

Kamakailan ay ginulat ni Darren ang netizens sa kanyang mga pictures kung saan makikitang binata na siya.

Samantala, mariing pinabulaan ni Lyca Gairanod na nainggit siya sa career ni Darren sa kasalukuyan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel