Bagong TikTok video ni Andrea Brillantes, tumabo sa mahigit 3M views

Bagong TikTok video ni Andrea Brillantes, tumabo sa mahigit 3M views

- Sa gitna ng mga kinasangkutang kontrobersiya, hindi pinakita ni Andrea Brillantes na apektado siya

- Bagkus, dalawang bagong TikTok videos ang kanyang ibinahagi sa kanyang TikTok account

- Ang pinakabago niyang video ay agad na humakot ng views, hindi pa man umabot sa 24 oras mula nang ipost niya

- Matatandaang naging usap-usapan din siya kamakailan matapos ang paglabas ng picture ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine Diaz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang unti-unting nakakaligtaan ang isyu nila nina Seth Fedelin at Francine Diaz, muling nasangkot sa kontrobersiya si Andrea Brillantes. Sa gitna ng mga kinasangkutang kontrobersiya, hindi pinakita ni Andrea Brillantes na apektado siya.

Bagong TikTok video ni Andrea Brillantes, tumabo sa mahigit 3M views
Seth Fedelin and Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Sa katunayan ay nakapag-post pa siya ng dalawang TikTok videos. Nauna na ring nilinaw ng kanyang manager na simpleng picture ng mga magkakaibigan. Kuha daw ito pagkatapos ng pag-shoot ng vlog. Anila, wala namang masama sa picture nilang iyon at tanging ibang tao lang ang naglagay ng malisya doon na umabot na sa paggawa ng kwento na ikakasira ng tatlo.

Read also

Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin

Matatandaang, naging kontrobersiyal ang Instagram story ni Kyle Echarri kung saan kasama niya sina Andrea at Darren Espanto. Ikina-intriga ng ilang netizens kung bakit umano binura ni Kyle ang naturang IG story.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang pinakabago niyang video ay agad na humakot ng views, hindi pa man umabot sa 24 oras mula nang ipost niya. Matatandaang naging usap-usapan din siya kamakailan matapos ang paglabas ng picture ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine Diaz.

Isa si Andrea sa mga artistang may pinakamaraming TikTok followers. Sa katunayan kabilang siya sa ang tinuring na most-followed celebrity. Umabot na sa 16.8 million ang kanyang followers sa TikTok.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Robin Padilla, napakanta at napasayaw sa 'truth or dare' sa kanya ni Aiko Melendez

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel