Maymay pumalag sa isyung gumamit ng auto-tune: "Sorry If I wasn’t good enough sainyo"
- Pinabulaanan ni Maymay Entrata ang akusasyong gumamit siya ng auto-tune sa kanyang performance sa ‘Hide and Sing’ segment ng ‘It’s Showtime’
- Isang alt account sa X ang nagsabing halata umanong ginamitan ng auto-tune ang kanyang boses kumpara sa ibang TagoKanta
- Sinagot ito ni Maymay at nilinaw niyang walang auto-tune ang kanyang pagkanta at may ilang flat notes pa nga siya
- Humingi ng paumanhin ang alt account at inamin nitong mali ang kanyang tweet laban sa singer
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mariing itinanggi ng Kapamilya singer na si Maymay Entrata ang alegasyong gumamit siya ng auto-tune sa kanyang performance sa ‘Hide and Sing’ segment ng ‘It’s Showtime’ nitong Sabado (Pebrero 8).
![Maymay pumalag sa isyung gumamit ng auto-tune: "Sorry If I wasn’t good enough sainyo" Maymay pumalag sa isyung gumamit ng auto-tune: "Sorry If I wasn’t good enough sainyo"](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/abaef0b091be2b1e.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Sa naturang segment, kinanta ni Maymay ang hit song ni Miley Cyrus na Wrecking Ball matapos siyang ibunyag bilang TagoKanta o Celebrity Singer. Gayunman, isang alt account sa social media platform na X ang nag-akusa na ginamitan umano ng auto-tune ang kanyang boses, hindi tulad ng ibang TagoKanta.
![](https://cdn.kami.com.ph/images/360x203/0c80e6b9d550ab01.jpeg?v=1)
Read also
Bardagulan nina Boobay at Karen delos Reyes sa 'Extra Challenge', hindi scripted ayon kay Boobay
“Ako ang nahiya para kay Maymay Entrata. Bakit nilagyan ng auto-tune tapos ‘yung ibang TagoKanta hindi nilagyan? Halata tuloy na siya ang Celebrity Singer treewww,” saad ng post ng alt account.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi naman ito pinalampas ni Maymay at agad niyang pinabulaanan ang alegasyon.
“Hi po ma’am. Hindi po naka-auto-tune ‘yan, may mga flats pa nga po ako eh.. hihi. Sorry if I wasn’t good enough sa inyo. I’ll do better,” sagot ng singer.
Dahil dito, marami sa mga netizen ang pumuri kay Maymay dahil sa kanyang pagpapakumbaba at pagiging propesyonal sa pagharap sa isyu.
“It takes genuine humility to properly humble those who are consistently seeking trouble,” komento ng isang X user.
Kalaunan, humingi rin ng paumanhin ang alt account na nagpakalat ng maling akusasyon.
“I’m sorry for my tweet about Maymay Entrata’s singing. It was unfair and didn’t reflect the effort she puts into her craft. I acknowledge my mistake and regret any harm it caused. I’ll be more mindful moving forward,” saad ng account.
Sa huli, nagpaabot din ito ng mensahe ng suporta para kay Maymay, na aniya’y deserve ang “continued success.”
Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye. Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).
Lingid sa kaalaman ng marami malapit na magkaibigan pala sina Maymay at Mimiyuuuh. Una umano silang nagkita ni Mimiyuuuh sa Star Magic Ball at simula noon ay nakagaanan nila ng loob ang isa't-isa. Kagaya ni Maymay, madalas umano magsabi ng kanyang problema si Mimiyuuuh sa kaibigan. Kinaaliwan din ang version ng "skrrt" ni Maymay dahil sa kakaibang talento niya sa kanyang braso.
Sa mukbang sa nina Mimiyuuuh at Maymay ay hindi inatrasan ni Maymay ang ilan sa mga nakakaintrigang mga tanong para sa kanya. Kabilang sa natanong ay kung mayroon daw ba siyang hindi magandang karanasan sa isang artista. Hindi naman daw niya maituturing na bad iyon ngunit aniya ay tiningnan siya ng di na niya pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya. Nangyari raw ito noong bago pa lamang sila nakalabas sa Pinoy Big Brother at pumunta siya sa ASAP para makita nang personal ang mga artista.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh