Matet de Leon, binahagi ang reaksiyon niya nang malamang ampon siya
- Ibinahagi ni Matet de Leon sa isang panayam kung paano niya nalaman na siya ay ampon
- Sinabi niya na unang nalaman niya ito mula sa kanilang mga kasambahay at nakumpirma sa nabasa niyang balita sa diyaryo
- Pinaliwanag ng ate niyang si Lotlot de Leon na sila ay biyaya ng Diyos kahit hindi sila isinilang ni Nora Aunor
- Inamin ni Matet na may ideya na siya bago pa man aminin ng kanyang ina ang katotohanan nang siya ay 12 taong gulang
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang panayam sa programang Lutong Bahay, ibinahagi ng aktres na si Matet de Leon ang kanyang naging karanasan nang malaman niyang siya ay ampon. Kasama ang kanyang anak, sina Chef Ylyt, at aktres na si Mikee Quintos, nagbahagi si Matet ng kanyang kwento habang may tinolang manok at putobumbong sa hapag.
Ayon kay Matet, nalaman niya ang katotohanan noong bata pa siya matapos marinig ang mga kasambahay nilang nagsabi nito. Dahil dito, pinalayas umano sila ng kanyang ina na si Nora Aunor. Dagdag pa niya, nakabasa rin siya ng balita sa diyaryo kung saan tinawag sila ng media bilang "Mga Ampon ni Guy." Naging palaisipan daw noon kay Matet kung bakit kayumanggi ang kanyang ina habang siya at ang ilan niyang kapatid ay mapuputi.
Pinaliwanag naman ng kanyang ate na si Lotlot de Leon na sila ay mga biyaya mula sa Diyos kahit hindi sila isinilang ng kanilang ina. Nang siya ay 12 taong gulang, mismong si Nora Aunor na ang nagkumpirma ng katotohanan. Gayunpaman, inamin ni Matet na may ideya na siya noon pa.
Dahil aktibo na siya sa showbiz noong panahong iyon, sinabi ni Matet na umarte siyang nabigla upang hindi magalit ang kanilang ina matapos malaman na nauna nang sinabi ito ni Lotlot.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.
Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.
Kamakailan ay inihayag ni Nora ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo. Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya. Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon. Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh