Senyora, nagreact sa viral video nina Sue Ramirez at Dominic Roque
- Nagreact si Senyora sa viral video nina Sue Ramirez at Dominic Roque kung saan makikita ang kanilang tila paghalik
- Maraming netizens ang nag-tag kay Senyora dahil kilala ito sa pagbibiro tungkol sa kanya at kay Dominic
- Ayon kay Senyora, gusto daw muna niyang mapag-isa matapos kumalat ang naturang video
- Patuloy na usap-usapan sa social media ang relasyon nina Sue at Dominic matapos nilang makitang magkasama sa Siargao
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapos mag-viral ang isang video nina Sue Ramirez at Dominic Roque, hindi rin nakaligtas ang dalawa sa reaksyon ng internet sensation na si Senyora. Maraming netizens ang nag-tag kay Senyora sa mga social media posts patungkol sa sweet moment ng dalawa, lalo na’t kilala si Senyora sa pagbibiro tungkol sa kanyang "relasyon" kay Dominic Roque.
Sa gitna ng kabi-kabilang tag mula sa kanyang mga followers, agad namang sumagot si Senyora at pabirong sinabi, “Gusto ko munang mapag-isa,” na sinundan pa ng ilang emoticons na nagpapakita ng pagiging 'broken-hearted'. Ang pahayag na ito ay tila naging hudyat ng tawanan sa social media, lalo na't matagal nang tampulan ng biro ang “pagmamahalan” umano nina Senyora at Dominic.
Samantala, usap-usapan pa rin ang tungkol sa kumakalat na video nina Sue at Dominic sa Siargao na nagpakilig sa kanilang mga tagahanga. Marami ang nagkomento na bagay ang dalawa, habang ang iba naman ay nagtataka kung kumpirmasyon na ba ito ng kanilang relasyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kilala si Senyora Santibañez bilang internet celebrity at meme na madalas nagpo-post ng mga patawang reaksyon sa mga trending na balita. Karamihan sa kanyang mga posts ay puno ng satire at humor, kaya naman marami sa mga netizens ang inaabangan kung paano siya magrereact sa bagong viral issue.
Sa social media post ni Xyriel Manabat kamakailan kung saan sinabi niyang nagawa niya ang isa sa kanyang 2021 bucketlist, marami ang nag-tag kay Senyora. Dahil dito ay nag-react si Senyora at makikita ang kanyang "angry" react sa post ni Xyriel sa Facebook.
Matatandaang matapos ilabas ang pagkakakilanlan ng artistang gaganap bilang si Valentina sa seryeng Darna, sari-sari ang naging reaksiyon ng netizens. Maging ang kilalang social media personality na si Senyora ay naglabas ng kanyang reaksiyon at marami ang naaliw sa kanyang post.
Source: KAMI.com.gh