Ogie Diaz, napa-react sa kontrobersyal na pagsusuot ni Awra Briguela ng girl's uniform

Ogie Diaz, napa-react sa kontrobersyal na pagsusuot ni Awra Briguela ng girl's uniform

- Maging si Ogie Diaz ay napa-react sa pagsusuot ni Awra Briguela ng school uniform

- Agaw pansin ito kamakailan dahil girl's uniform ang suot ni Awra

- Matatandaang naglabas din ng pahayag ang kanyang paaralan na suportado umano ang pagsusuot ni Awra ng kanilang uniporme

- Sa kabila umano nito, ang mahalaga ay ipagpapatuloy ni Awra ang kanyang pag-aaral

Nagbigay komento rin si Ogie Diaz kaugnay ng kontrobersyal na pagsusuot umano ng uniporme ni Awra Briguela.

Ogie Diaz, napa-react sa kontrobersyal na pagsusuot ni Awra Briguela ng girl's uniform
Ogie Diaz, napa-react sa kontrobersyal na pagsusuot ni Awra Briguela ng girl's uniform (@awrabriguela)
Source: Instagram

Kamakailan, matatandaang ibinida ni Awra ang kanyang pagbabalik paaralan gayundin ang unipormeng suot na umano'y pambabae.

Umani ito ng samu't saring reaksyon hanggang sa naglabas na ng opisyal na pahayag University of the East kung saan enrolled ang dating child star.

Sa naturang pahayag, sinabing suportado nito ang preferred uniform ni Awra na bahagi umano ngg tinatawag na inclusive education.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Toni Gonzaga, emosyonal sa kwento ni Julius Manalo ukol sa inang hinanap sa loob ng 31 taon

Kaugnay nito, maging si Ogie Diaz ay suportado si Awra na ang mahalaga ay napili nitong magbalik paaralan, at komportable umano itong makapag-aaral dahil malaya itong nakapili ng kanyang kasuotan.

"Bakit? Sa inyo ba kinuha 'yung pambili ng palda ni Awra ng kanyang uniform, hindi naman di ba?" ani Ogie.

"Ang importatne Awra, ipagpatuloy mo ang iyong desire na maka-graduate," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Kamakailan, nagbigay paalala si Ogie sa mga nagpapakalat umano ng fake news. Ito ay matapos na mapabalitang nawala na raw agad ang karakter ni Barbie Imperial sa FPJ Batang Quiapo. Kumalat ang naturang fake news matapos na mamataang kasama umano ni Richard Gutierrez si Barbie sa ibang bansa kung saan nag-shoot ito umano ng ilang scenes para sa seryeng Incognito. Dahil dito, inakala ng marami na kasama na rin si Barbie sa cast ng bagong serye at isa si Ogie Diaz sa umalma sa fake news na ito.

Read also

Roxanne Ginoo, alagang-alaga ang amang nagkaroon ng cellulitis

Samantala, nagbigay komento rin si Ogie kamakailan ukol sa kontrobersyal na This is Me vlog ni Liza Soberano na ipinalabas matapos ang kontrata ng aktres sa kanya. Aniya, naniniwala siya umanong may 'dikta' ito at tila hindi lang basta si Liza ang pinanggalingan ng mga umano'y nabitawan nitong mga salita sa naturang video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica