Awra Briguela, ibinida ang taong naniwala sa kanya sa kabila ng pinagdaanan niya

Awra Briguela, ibinida ang taong naniwala sa kanya sa kabila ng pinagdaanan niya

- Ibinahagi ni Awra Briguela ang pasasalamat kay Vice Ganda sa pagiging taong naniwala sa kanya sa gitna ng kanyang mga pinagdaanan

- Kasama ang isang larawan ni Vice Ganda, binahagi ni Awra ang mensaheng "Besides yourself, sometimes you just need one person to believe in you"

- Hindi na pinansin ni Awra ang mga kritisismo matapos niyang ibahagi ang post suot ang kanyang school uniform

- Inanunsyo ni Awra ang kanyang pagbabalik sa pag-aaral nang sumali siya sa Magpasikat performance kasama si Vice Ganda

Ibinahagi ni Awra Briguela ang kanyang damdamin at pasasalamat sa isang taong tumulong sa kanya na maniwala muli sa sarili, sa kabila ng mga hamon na kanyang hinarap. Kalakip ng larawan nila ni Vice Ganda, nagbahagi si Awra ng makahulugang mensahe, "Besides yourself, sometimes you just need one person to believe in you."

Awra Briguela, ibinida ang taong naniwala sa kanya sa kabila ng pinagdaanan niya
Awra Briguela, ibinida ang taong naniwala sa kanya sa kabila ng pinagdaanan niya
Source: Instagram

Sa caption ng kanyang post, ipinahayag ni Awra ang halaga ng mga taong tunay na sumusuporta sa kanya, lalo na si Vice Ganda na naging isa sa kanyang pinakamalapit na kaibigan. Ibinahagi rin niya ang mensahe ni Vice Ganda sa kanya, “I believe you,” na nagsilbing lakas at inspirasyon sa kanya sa gitna ng mga batikos na kinakaharap niya.

Read also

Kris Aquino, binahagi ang biro ni Bimby nang sabihin niya ang tungkol sa cancer scare

Matatandaang hindi na pinansin ni Awra ang mga nambabatikos sa kanyang post kung saan suot niya ang kanyang school uniform, bilang simbolo ng kanyang pagbabalik sa pag-aaral. Nabigyang pansin ang bagong yugto ng buhay ni Awra nang lumahok siya sa Magpasikat performance nina Vice Ganda, kung saan inamin niyang muli siyang nag-aaral, kasabay ng kanyang patuloy na pagbangon sa pagkakalugmok.

Sa kabila ng mga pagsubok, ipinakita ni Awra ang kanyang lakas ng loob at ang suporta ng mga nagmamahal sa kanya tulad ni Vice Ganda, na siyang nagbigay inspirasyon para ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Amy Nobleza, inalala kung paano siya tinulungan ni Vice Ganda na matapos ang kanyang pag-aaral

Isang nagpakilalang kaibigan ni Awra ang nagbahagi ng pahayag kaugnay sa viral na video ni Awra. Makikita sa IG stories ng IG user na may handle na @simpforzayla na kasama si Awra sa kanyang video sa kanilang pagpunta sa isang bar sa Poblacion sa Makati. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit nagkainitan sila. Dagdag pa niya, ang lalaki daw ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban si Awra.

Isa sa sangkot sa rambulan na kinasangkutan ni Awra ang nagsalita sa News5. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra. Kasamahan daw ni Awra ang unang nanuntok at lumaban na lang daw siya. Nauna na ring nagsalita ang ilang kaibigan at kasamahan ni Awra patungkol sa umano'y pangbabastos sa kaibigan ni Awra na siyang nag-udyok sa Kapamilya star para kausapin ang umano'y nangbastos sa kanyang kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: