Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara

Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara

- Marami ang na-excite at na-curious sa post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara

- Ito ay kaugnay sa special announcement na nakatakdang ilabas nila ngayong ika-25 ng Setyembre

- Hindi pa malinaw kung tungkol saan ang kanilang announcement pero sa binahagi ni Kobe na picture nila ay maging si Jackie Forster at Andre Paras ay nag-comment

- Sa kabila ng ilang beses namataang sweet ang napapabalitang magkarelasyon ay wala pang pag-amin mula kina Kobe at Kyline kaugnay sa kanilang relasyon

Maraming netizens ang na-excite at na-curious sa pinakabagong post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara, kung saan nagbahagi sila ng larawan na may kaugnayan sa kanilang special announcement na ilalabas ngayong ika-25 ng Setyembre. Bagama’t wala pang malinaw na detalye tungkol sa anunsiyo, agad na umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa kanilang mga tagahanga.

Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara
Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara
Source: Instagram

Kasama sa mga nagbigay ng komento ay ang ina ni Kobe, si Jackie Forster, pati na rin ang kanyang kapatid na si Andre Paras. Marami ang nagtaka at mas lalong nasabik sa posibilidad na may malalim na kahulugan ang kanilang ibubunyag.

Read also

Kyline Alcantara, nag-share ng picture nila ni Kobe Paras: "Together with him"

Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara
Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng ilang ulit nang namataang sweet sina Kobe at Kyline, hindi pa rin sila nagbibigay ng opisyal na pag-amin kaugnay sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Patuloy namang sinusubaybayan ng publiko ang susunod na kabanata sa kuwento ng rumored couple.

Si Kyline Alcantara ay isang actress, singer, dancer, television host, advocate at endorser. Ilan sa mga seryeng kinabilangan niya ay Annaliza (2013) at Kambal, Karibal (2017). Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars noong 2010.

Matatandaang naging guest sa It's Showtime kamakailan si Kyline. Ipinamalas ni Kyline ang husay niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang opening number kasama ang Baby Dolls. Naging bahagi din siya ng segment ng "Rampanalo." Ani Kyline, ikalawang guesting niya na iyon sa naturang noontime show.

Read also

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

Kamakailan nga ay naging kontrobersiyal si Kyline matapos ang kanyang naging komento sa TikTok video ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan. Matatandaang ang video na ito ay tungkol sa mga naranasan ni Mariel bilang isang artista na hindi gaanong sikat. Kabilang sa nakwento niya ay ang pagsampal daw sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline ngunit kinalaunan ay binura din ang kanyang komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate