Marian 'Kalokalike,' natanong ni Vice Ganda kung sino gusto niya makausap: "Si K...si Karylle"

Marian 'Kalokalike,' natanong ni Vice Ganda kung sino gusto niya makausap: "Si K...si Karylle"

- Si Marian Rivera ang ginaya ng isa sa mga Kalokalike contestant sa It's Showtime ngayong araw

- Habang kinakausap nila ito ay natanong ni Vice Ganda kung sino raw ang nais niyang makausap at makatrabaho uli sa lahat ng kanyang naktrabaho noon

- Sagot ng contestant ay si K, na agad dinugtungan ni VIce Ganda ng Brosas

- Dinugtungan pa ng kalahok ang kanyang sinabi at nilinaw na si Karylle ang kanyang tinutukoy

Isa sa mga kalahok ng Kalokalike segment ng It's Showtime ngayong araw ay ginaya si Marian Rivera, na naging tampok sa usapan ng mga hosts, lalo na ni Vice Ganda. Habang kinakausap ang Marian Rivera 'Kalokalike,' tinanong siya ni Vice Ganda kung sino sa mga dating katrabaho ang nais niyang makasama muli.

Marian 'Kalokalike,' natanong ni Vice Ganda kung sino gusto niya makausap: "Si K...si Karylle"
Marian 'Kalokalike,' natanong ni Vice Ganda kung sino gusto niya makausap: "Si K...si Karylle"
Source: Youtube

Hindi nagdalawang-isip ang kalahok at agad na sumagot, "Si K..." na mabilis namang tinugtungan ni Vice Ganda ng "Brosas," patungkol sa komedyanteng si K Brosas. Ngunit, mas lalong umingay ang studio nang ipaliwanag ng kalahok na si Karylle pala ang tinutukoy niya. Naroroon din si Karylle bilang isa sa mga host, ngunit hindi siya kasamang kausap ng contestant sa segment na iyon.

Read also

PBBM, iginiit na napilitan lang lumitaw si Quiboloy; Hindi sumuko

Bilang pagsalba sa sitwasyon, mabilis na sinundan ni Vice Ganda ang pag-uusap at nagsabing, “Kakausapin na natin ang mga hurado,” upang maiwasan ang anumang tensyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang may hindi magandang kasaysayan sina Marian Rivera, Karylle, at Dingdong Dantes. Pagkatapos ng relasyon nina Karylle at Dingdong, si Marian Rivera ang naging kasintahan ng aktor, na kalaunan ay naging asawa. Si Karylle naman ay masaya na sa kanyang buhay may-asawa kasama ang bokalistang si Yael Yuzon.

Ang eksenang ito sa It's Showtime ay naging isang maselang sandali, subalit pinilit ni Vice Ganda na mapanatiling magaan at masaya ang programa.

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.

Read also

Dahlia, kinaaliwan ang reaksiyon sa kanyang Uncle Nico Bolzico na nakababad sa nagyeyelong tubig

Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng "Darna".

Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: