Jimmy Santos, mariing itinanggi ang viral post tungkol sa tulong at pakinabang

Jimmy Santos, mariing itinanggi ang viral post tungkol sa tulong at pakinabang

  • Nilinaw ni Jimmy Santos na hindi siya ang nagsabi, sumulat, nag-post o nagbigay ng pahintulot sa isang pahayag na kumakalat sa Facebook at ginagamit ang kanyang pangalan at larawan
  • Matapos kumalat ang post, kinumpirma mismo ni Martin Vitug, kaibigan at producer ng Jimmy Saints vlog, kay Jimmy ang tungkol dito at nakatanggap din siya ng opisyal na pahayag mula sa komedyante
  • Mariing itinanggi ni Jimmy ang mensaheng iniuugnay sa kanya at hiniling sa publiko na huwag itong paniwalaan, i-share o i-repost dahil wala siyang kinalaman sa naturang content
  • Nagbabala rin ang dating Dabarkads na maaari siyang magsagawa ng naaangkop na legal na hakbang laban sa patuloy na paggamit ng kanyang pangalan at larawan nang walang pahintulot

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling naging usap-usapan online si Jimmy Santos matapos kumalat sa social media ang isang post na naglalaman ng mensaheng ipinakilalang mula mismo sa komedyante.

Jimmy Santos, mariing itinanggi ang viral post tungkol sa tulong at pakinabang
Jimmy Santos, mariing itinanggi ang viral post tungkol sa tulong at pakinabang (📷Jimmy Santos/Facebook)
Source: Facebook

Sa nasabing post, iniuugnay kay Jimmy ang isang mahabang pahayag tungkol sa pagtulong sa ibang tao, pagkadismaya sa mga taong lumalapit lamang kapag may kailangan at sa pakiramdam na nagiging mahalaga lamang ang isang tao kapag may pakinabang ito.

Read also

Moira Dela Torre, nagsalita sa estado ng relasyon nila ni Jason Hernandez

Gayunman, hindi si Jimmy ang gumawa ng naturang pahayag.

Sa ulat ni Jun Lalin ng Abante, nakipag-ugnayan sila kay Martin Vitug, kaibigan at producer ng Jimmy Saints vlog, upang alamin kung totoong nagmula kay Jimmy ang viral na mensahe.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tinanong mismo ni Martin si Jimmy tungkol sa kumakalat na post. Matapos nito, nagpadala rin si Martin ng opisyal na statement ng komedyante na malinaw na naglilinaw sa isyu.

Ayon kay Jimmy, wala siyang kinalaman sa nasabing Facebook post.

Ipinaliwanag niya na hindi niya sinabi, isinulat, ipinost o pinahintulutang gamitin ang naturang pahayag.

“Para malinaw: Hindi ko sinabi, isinulat, ipinost, o in-authorize ang nasabing statement. Gawa-gawa lamang ang quotation na ito, at ginamit ang aking pangalan at larawan nang wala akong kaalaman o pahintulot upang magmukhang authentic ang post.”

Dahil dito, hiniling ni Jimmy sa publiko na huwag nang paniwalaan o ipasa sa iba ang naturang content.

“Hinihiling ko sa publiko na huwag paniwalaan, i-share, o i-repost ang fake content na ito. Nananawagan din ako sa mga taong o pages na responsable na agad itong i-delete at itigil ang paggamit sa aking identity para magpakalat ng fabricated statements.”

Read also

Ai-Ai delas Alas, may payo sa bagong asawa ng ex na si Gerald Sibayan

Binanggit din niya na ang patuloy na paggamit sa kanyang pangalan at larawan nang walang pahintulot ay maaaring humantong sa legal na aksyon.

“Ang patuloy na unauthorized use ng aking pangalan at larawan ay maaaring humantong sa appropriate legal action.”

“Please rely only on statements released through my official channels or personally confirmed by me.”

Bago ito, naging tampok din si Jimmy sa ilang balita tungkol sa kanyang mga ginagawa sa showbiz at online. Noong 2025, nilinaw niya ang mga video kung saan makikita siyang gumagawa ng iba't ibang trabaho, matapos itong pag-isipan ng ilan bilang senyales na nahihirapan na siya sa buhay. Ipinaliwanag na bahagi lamang ng kanyang content ang mga naturang video at layunin nitong bigyang-halaga ang marangal na trabaho ng mga Pilipino.

Si Jimmy ay isa sa mga nakilalang personalidad sa Philippine comedy at noontime television at naging bahagi ng hanay ng mga Dabarkads. Patuloy din siyang gumagawa ng content sa ilalim ng Jimmy Saints vlog, kung saan tampok ang iba't ibang karanasan at pakikisalamuha niya sa mga ordinaryong Pilipino.

Read also

Rider na nagreklamo kay Niño Muhlach, may bagong pahayag matapos ang isyu

“Dabarkads, emosyonal nang bumulaga si Jimmy Santos sa ‘E.A.T’” — Nai-publish ito noong Oktubre 14, 2023 at tumalakay sa sorpresa ni Jimmy Santos sa E.A.T. nang dumalo siya sa birthday celebration ni Joey de Leon. Naging emosyonal ang ilan sa kanyang mga dating kasamahan nang muli siyang makita sa programa.

“Jimmy Santos, nagsalita tungkol sa balitang naghihirap na siya” — Nai-publish naman ito noong Hunyo 27, 2025 matapos mapag-usapan online ang mga video ni Jimmy na nagpapakita sa kanya habang gumagawa ng iba't ibang trabaho. Nilinaw sa ulat na bahagi lamang ng kanyang YouTube content ang mga naturang video at bukas pa rin siya sa mga proyekto sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate