Kate Valdez, umaming in love kay Fumiya Sankai: “Yes! Yes, sobra!”

Kate Valdez, umaming in love kay Fumiya Sankai: “Yes! Yes, sobra!”

- Inamin ni Kate Valdez na ang kanilang Disneyland trip ay regalo mula kay Fumiya Sankai

- Sinabi ni Kate na palagay ang kanyang kalooban kapag kasama niya si Fumiya

- Ibinahagi din ni Kate na masaya sila sa presensya ng isa’t isa

- Inamin niyang na inlove siya kay Fumiya at nagpapasalamat siya sa suporta nito

Ibinahagi ni Kate Valdez ang kanyang saloobin tungkol sa ugnayan nila ng Japanese vlogger na si Fumiya Sankai, matapos mag-viral ang kanilang pamamasyal sa Hong Kong Disneyland bilang selebrasyon ng kaarawan ng aktres. Ayon sa isang panayam sa "24 Oras," inamin ni Kate na ang nasabing trip ay regalo mula kay Fumiya, na nag-alok na magkasama silang ipagdiwang ang espesyal na araw.

Kate Valdez, umaming in love kay Fumiya Sankai: “Yes! Yes, sobra!”
Kate Valdez, umaming in love kay Fumiya Sankai: “Yes! Yes, sobra!”
Source: Instagram

Isinaysay pa ni Kate na sinabi niya kay Fumiya ang kanyang kagustuhang maranasan ang Disneyland, at agad naman itong ipinagkaloob ng vlogger bilang bahagi ng kanyang birthday celebration.

Read also

Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas

Nang tanungin si Kate tungkol sa papel ni Fumiya sa kanyang buhay, ibinahagi niya na panatag ang kanyang loob kapag kasama ang vlogger, at inilarawan niya ito bilang isang taong laging nandiyan para sa kanya, kahit na may mga problema.

Tungkol naman sa tanong kung sila na ni Fumiya, sinabi ni Kate na masaya sila sa presensya ng isa’t isa, ngunit hindi direktang sinagot ang tanong kung sila na nga ba. Sa kabila nito, inamin ni Kate na inlove siya kay Fumiya at labis siyang nagpapasalamat sa vlogger para sa kasiyahan at suporta na ibinibigay nito sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagkakakilala naman nila, ikinuwento ni Kate na nagkita sila sa mga events at sa tulong ng kanilang mga kaibigan, at mula noon ay nagpatuloy na ang kanilang pagkakaibigan.

Read also

Andrea Brillantes, inaming nag-alangan noon na maglabas ng perfume line

Si Fumiya Sankai ay kilala na bilang isang vlogger bago pa siya sumali sa "Pinoy Big Brother: Otso" kung saan nakilala niya ang malapit na kaibigang si Yamyam Gucong. Isa siyang Japanese na nahilig sa Pinoy content kaya marami na rin ang kanyang mga tagasubaybay na mga Filipino kahit hindi pa siya nakapasok sa mundo ng showbiz.

Matatandaang marami ang nag-alala sa former PBB housemate matapos niyang ibahagi ang tungkol sa operasyon na kinailangang gawin sa kanya upang umayos ang kanyang kalusugan. Maging si Yamyam ay nag-alala at ipinagdasal ang maayos na operasyon sa kanyang malapit na kaibigan na kung tawagin niya ay kanyang spiritual brother.

Matatadaang ibinahagi ni Fumiya na nakaranas ng cerebral hemorrhage at nawalan ng malay ang kanyang ina. Kaya naman agad itong isinugod sa ospital at sa kabutihang palad ay naging maayos na umano ang kalagayan. Kinailangang umuwi ni Fumiya sa kanilang lugar dahil nasa Tokyo umano siya nang mangyari ito sa ina. Sa kanyang vlog ay pinakita ni Fumiya ang kanilang naging pag-uusap ng kanyang ina na kagaya niya ay masayahin din.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate