Yamyam Gucong, ibinahagi ang kanyang saloobin sa nangyari sa kanyang "spiritual brother" na si Fumiya Sankai

Yamyam Gucong, ibinahagi ang kanyang saloobin sa nangyari sa kanyang "spiritual brother" na si Fumiya Sankai

- Labis na ikinalungkot ni Yamyam Gucong ang nangyari sa kanyang spiritual brother na si Fumiya Sangkai

- Ayon sa Pinoy Big Brother: Otso" grand winner, ipinagdasal niya ang mabilis na paggaling ni Fumiya

- Isa din daw sa kanyang Christmas wish ay tuluyan nang bumuti ang lagay ng kanyang kaibigan

- Matatandaang ibinahagi ni Yamyam na kailangan niyang sumailalim sa operasyon dahil sa nakitang butas sa kanyang baga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasama sa panalangin ni "Pinoy Big Brother: Otso" grand winner Yamyam Gucong ang mabilis na paggaling ng kanyang "spiritual brother" na si Fumiya Sangkai. Ito ay matapos sumailalim ng Japanese vlogger sa isang lung operation.

Sa isang panayam ng ABS-CBN News, inamin ni Yamyam na labis niyang ikinalungkot ang nangyari sa malapit na kaibigan.

"Siyempre nalungkot ako kasi supposedly ngayon ay taping namin sa 'Home Sweetie Home,' dapat taping naming dalawa. Nalungkot ako. Nakaka-miss din ang bonding namin dito. Tapos 'yun nga, nagkasakit siya bigla," saad niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbigay din siya ng mensahe para kay Fumiya.

"Para sa aking spiritual brother, sana gumaling ka kaagad," aniya.

Dagdag pa ni Yamyam, isa sa kanyang Christmas wish ay ang paggaling ng kanyang kaibigan.

"Kasali na po 'yon, si Fumiya na dumating siya his fast recovery," dagdag pa ni Yamyam.

Sa naunang ulat, matatandaang sumailalim ang Japanese vlogger na si Fumiya sa isang operasyon matapos mapag-alaman ng doktor na may butas ang kanyang right lung.

Si Yamyam Gucong ay unang sumikat nang sumali siya bilang isa sa mga adult housemates ng Pinoy Big Brother: Otso. Siya ay nagmula sa Inabanga, Bohol. Tinanghal siyang big winner ng nasabing edition ng reality TV show. Napapanood siya sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home kasama si Fumiya.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel