Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian, nagkomento sa post ni Sen. Sonny Angara

Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian, nagkomento sa post ni Sen. Sonny Angara

- Sina Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo ay nakita na sweet sa huling talumpati ni DepEd Secretary Sonny Angara sa Senado

- Ibinahagi ni Angara ang larawan ng magkasintahan sa isang Instagram post

- Nagkomento si Bianca ng "Oh my gosh" at sinabi naman ni Gatchalian na "Bagsak kami sa good manners and right conduct Mr. Secretary"

- Kaniya-kaniyang komento ang mga netizen sa post, kabilang ang "#SonnyAll!" at "Ang puso ng senado"

Sina Senador Win Gatchalian at ang kanyang nobyang si Bianca Manalo ay nakita na sweet sa huling talumpati ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa Senado kamakailan.

Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian, nagkomento sa post ni Sen. Sonny Angara
Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian, nagkomento sa post ni Sen. Sonny Angara
Source: Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Angara ang larawan ng magkasintahan na nagpapakita ng kanilang ka-sweetan. "Madami palang na enganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together," ani Angara.

Read also

Rosmar, sinabing umaabot na ng milyon ang kanyang gastusin araw-araw

Nagkomento si Bianca sa naturang post, na nagsabing "Oh my gosh." Sinabi naman ni Gatchalian, "Hahaha! Bagsak kami sa good manners and right conduct Mr. Secretary. I didn't see the camera was focused to the back."

Iba't ibang komento ang iniwan ng mga netizen sa post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, sa kanyang post, sinabi ni Bianca na hindi nila alam na mahahagip sila sa camera.

I had to leave already, because I have a play to watch at the GSIS theater, which is behind the Senate building. We kissed goodbye. We didn’t know we will be seen on the monitor while Secretary Sonny was having his goodbye speech

Si Bianca Manalo ay isa sa kilalang aktres sa bansa at dating beauty queen. Siya ang naging kinatawan ng bansa sa 2009 Miss Universe pageant. Ilan sa mga naging TV shows niya ay ang Juanita Banana, FPJ Ang Probinsyano at bahagi rin siya ng inaabangang teleserye ngayong taon ang 'The Broken Marriage vow'.

Read also

Arnold Clavio, nagsalita na ukol sa isyu ng "dalawang executive" ng GMA

Matatandaang ibinahagi ni Bianca ang tungkol sa pagkakaroon niya ng matinding migraine. Sa isang vlog, ibinahagi ni beauty queen/actress na nakakaapekto na ito sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Nabanggit niya rin na sumailalim siya sa MRI at ang resulat umano ay 'unremarkable.' Ayon daw sa kanyang eye doctor ay nakakaranas siya ng “digital strain”.

Samantala, hiyang-hiya si Bianca nang 'di inaasahang mag-videobomb sa senatorial forum ng boyfriend niyang si Win Gatchalian. Natagalan pa bago mapansin ni Bianca na hagip pa rin siya ng camera ni Senator Win na noo'y nagsasalita pa naman sa forum. Nang matapos sa video, nasabi ng senador na talagang na-distract siya gayung napansin na niya si Bianca. Nagkataong mahirap pa naman daw ang tanong na kanyang sinasagot nang mapasilip si Bianca sa may pinto ng silid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate