Bianca Manalo, hiyang-hiya nang mag-videobomb sa senatorial forum ng BF na si Win Gatchalian

Bianca Manalo, hiyang-hiya nang mag-videobomb sa senatorial forum ng BF na si Win Gatchalian

- Hiyang-hiya si Bianca Manalo nang 'di inaasahang mag-videobomb sa senatorial forum ng boyfriend niyang si Win Gatchalian

- Natagalan pa bago mapansin ni Bianca na hagip pa rin siya ng camera ni Senator Win na noo'y nagsasalita pa naman sa forum

- Nang matapos sa video, nasabi ng senador na talagang na-distract siya gayung napansin na niya si Bianca

- Nagkataong mahirap pa naman daw ang tanong na kanyang sinasagot nang mapasilip si Bianca sa may pinto ng silid

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Bianca Manalo ang makulit na video kung saan hindi niya inaasahang mag-videobomb sa senatorial forum ng boyfriend na si Senator Win Gatchalian.

Nalaman ng KAMI na nasa may pinto si Bianca ng silid kung saan naka-video conference si Senator Win sa iba pang senador.

Natagalan pa bago napansin ni Bianca na nahagip pa rin siya ng camera ng nobyo na noo'y napansin na rin pala siya.

Read also

Francine Diaz, diretsang sinabi na wala siyang boyfriend; "I’m a single lady"

Bianca Manalo, hiyang-hiya nang mag-videobomb sa senatorial forum ng BF na si Win Gatchalian
Bianca Manalo kasama ang boyfriend na si Senator Win Gatchalian. (@biancamanalo)
Source: Instagram

Sa sobrang hiya at pagkataranta, naisara tuloy ni Bianca ang pinto nang malakas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Naka IG live kasi ako eh. Ang tagal ko pa na-realize na teka, ako ba 'yon? Shocks ako nga!" pahayag ni Bianca sa kanyang post.

Matapos ang forum, naikwento ni Senator Win kay Bianca ang naging reaksyon niya sa nangyari.

"Babe, na-distract ako. Ang hirap pa naman ng tanong. But when I saw you, na-distract ako e. Gusto kong matawa na hindi ka matawa," kwento ni Senator Win sa nangyari.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Bianca Manalo ay isa sa kilalang aktres sa bansa at dating beauty queen. Siya ang naging kinatawan ng bansa sa 2009 Miss Universe pageant. Ilan sa mga naging TV shows niya ay ang Juanita Banana, FPJ Ang Probinsyano at bahagi rin siya ng inaabangang teleserye ngayong taon ang 'The Broken Marriage vow'.

Read also

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

Siya ay kasintahan ng Philippine senator na si Win Gatchalian. Taong 2019 nang ilabas niya sa publiko ang unang larawan nila ng senador kung saan may caption pa itong 'This thing called love."

Bago halos magtapos ang 2021, naibahagi ni Bianca sa kanyang vlog ang tungkol sa kanyang dinaranas na 'digital strain' na ayon sa American Optometric Association, isa itong kondisyon dahil sa umano'y matagalang pagtutok sa computer at iba pang gadget.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel