Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

- Naglabas ng saloobin ang showbiz columnist na si Lolit Solis patungkol sa naging pahayag ni Lucy Torres kay Bongbong Marcos

- Ani Lolit, na-bash nang husto si Lucy gayung nagpahayag lamang ito ng kanyang pananaw sa pagtakbo ni BBM sa pagka-Pangulo

- Humanga rin si Lolit kay Lucy sa paninindigan umano nito sa pagsuporta kay BBM

- Kaugnay naman sa magaganap na halalan, hiling ni Lolit na igalang na lamang ng publiko kung sino ang pipiliin ng nakararami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminadong naawa umano si Lolit Solis kay Lucy Torres Gomes patungkol sa naging pahayag nito sa presidential aspirant na si Bongbong Marcos.

Nalaman ng KAMI na na-bash nang husto si Lucy dahil sa umano'y pagpapakita nito ng suporta kay BBM.

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM
Lolit Solis (@akosilolitsolis)
Source: Facebook

"Tama naman siya, kahit sino walang makahahadlang pag destiny ng isang tao ang isang bagay. Kung talagang nakaguhit sa palad ni BBM ang maging Presidente gaya ng ama na si Ferdinand Marcos, ano ang magagawa natin," komento ni Lolit sa naging pahayag ni Lucy.

Read also

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

"Ang tagal na nasa gobyerno ni BBM, puwede naman siguro na ijudge siya sa sarili niyang ginagawa at hindi na duon sa mga naganap ng nakaraan,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Lahat binato na sa kanya, lahat ginagawa para hindi siya makatakbo, pero heto, parang mas lalo pa siyang pinapanigan ng tao,"

"Huwag na natin isali pa sa galit natin pati gusto kumampi sa kanya," ani Lolit.

Aniya, nararapat na lamang igalang ng taumbayan kung sino ang maluluklok na susunod na pangulo ng bansa.

"Let the winner do the job. Kung sino ang iboto ng tao, kung sino piliin nila, igalang natin, tanggapin natin."

Dahil dito, humanga rin siya sa paninidigan umano ni Lucy sa naging pahayag nito.

Si Lolit Solit ay isa sa mga batikang showbiz columnist sa bansa. Isa rin siya sa mga talent manger na nag-alaga sa ilang mga kilalang artista ngayon. Kilala rin siya sa kanyang matatapang na pahayag patungkol sa showbiz, social at political issues sa bansa.

Read also

Aiko Melendez, nainis sa customer na nagalit sa Grab driver na walang panukli

Kamaikailan nga'y naglabas din siya ng saloobin patungkol sa misis ni basketbolistang si Terrence Romeo. Aniya, naaawa siya sa sinapit nito.

Gayundin ang kagandahan ng ugali ni Heart Evangelista na labis niyang hinahangaan na kahit daw walang camera ay busilak talaga ang puso nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel