Francine Diaz, diretsang sinabi na wala siyang boyfriend; "I’m a single lady"

Francine Diaz, diretsang sinabi na wala siyang boyfriend; "I’m a single lady"

- Diretsang sinabi ni Francine Diaz na wala siyang boyfriend sa kanyang pinakabagong vlog

- Sa 'game of phones' na ginawa nila ng kanyang guest na si Jake Ejercito, nakita ang pangalang 'Ashley'

- Ito ang huling naka-facetime ni Francine subalit agaw-pansin ang tatlong puso na kasama ng pangalan ni 'Ashley'

- Sinubukan pang tawagan ni Francine si 'Ashley' upang patunayan na kaibigan niya ito at sinabing hindi ito boyfriend tulad ng kanilang inakala

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Single" daw siya ayon kay Francine Diaz na kanyang nabanggit sa kanyang pinakabagong vlog kasama ang panauhin na si Jake Ejercito.

Nalaman ng KAMI na sa 'game of phones' nila ni Jake, isang pangalan ang lumabas na mayroong tatlong hearts na kasama nito.

Francine Diaz, diretsang sinabi na wala siyang boyfriend; "I’m a single lady"
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

"'Wag kayong palilinlang pero si Ashley 'yan. Gusto niyo tawagan ko?" agad na paliwanag ni Francine.

Read also

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

"Kasi maraming nag-a-assume na itong tatlong heart na 'to ay boyfriend ko. Pero si Ashley ito. Kailangan ko lang ng pruweba."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasamaang palad, hindi sumagot sa tawag ni Francine ang kaibigang si 'Ashley' kaya naman paulit-ulit niyang sinabi na "si Ashley 'to guys' promise.

Hindi rin naman niya maipakita ang convo nila ni 'Ashley' na nilarawan niyang 'medyo delicates.'

"Ashley po talaga, wala po akong boyfriend.... Single, single... I'm a single lady," pagbibigay diin pa niya.

Narito ang kabuuan ng makulit niyang vlog mula sa kanyang Francine Diaz YouTube channel:

Si Francine Carrel Saenz Diaz ay isa sa kilalang aktres at product endorser sa bansa. Nagsimula ang kanyang acting career sa mga TV series na The Blood Sisters, We Will Survive, Ikaw Lang ang Iibigin, at Be My Lady. Subalit mas nagningning ang kanyang career nang bigyang buhay niya ang karakter ni Cassandra Mondragon sa Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Read also

Manager ni Francine Diaz mariing pinabulaanan ang umano'y panliligaw ni Seth

Kamakailan ay naging usap-usapan ang larawan ni Francine at kanyang pamilya na kuha umano noong Bagong Taon. Kasama kasi nila rito ang kanyang ka-Gold Squad na si Seth Fedelin.

Dahil dito, mismong ang kilalang entertainment reporter sa bansa na si Ogie Diaz ay diretsahan niyang naitanong kung nanliligaw ba si Seth kay Francine.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel