Vice Ganda, nag-react sa pagtawag sa kanya ni Maris Racal na "May edad na na beki"

Vice Ganda, nag-react sa pagtawag sa kanya ni Maris Racal na "May edad na na beki"

- Ni-repost ni Vice Ganda ang video clip mula sa vlog ni Maris Racal kung saan ginawa nila ang pipilahan o di pipilahan challenge

- Sa naturang clip ay puring-puri siya nina Maris, Jai Agpangan, at Kyo Quijano

- Ani Maris, feeling niya ay ang ganda maging ate ni Vice Ganda para may mag-guide sa buhay niya

- Dagdag pa ni Maris, iba talaga pag may edad na na beki na siyang naging dahilan sa reaksiyon ni Vice Ganda

Nag-react si Vice Ganda sa pagtawag sa kanya ni Maris Racal na "may edad na na beki" sa isang video clip mula sa vlog ni Maris. Ni-repost ni Vice Ganda ang naturang clip mula sa challenge na "Pipilahan o Di Pipilahan," kung saan kasama ni Maris sina Jai Agpangan at Kyo Quijano.

Vice Ganda, nag-react sa pagtawag sa kanya ni Maris Racal na "May edad na na beki"
Vice Ganda, nag-react sa pagtawag sa kanya ni Maris Racal na "May edad na na beki"
Source: Instagram

Sa video, puring-puri nina Maris, Jai, at Kyo si Vice Ganda. Ani Maris, masaya siyang isipin na si Vice Ganda ang magiging ate niya para may mag-guide sa kanyang buhay. Dagdag pa ni Maris, "iba talaga pag may edad na na beki," na naging dahilan ng reaksiyon ni Vice Ganda.

Read also

Bia, may nakakaantig na papuring nasabi sa kanyang Daddy Ray

"Hoyyyy talaga ba @MissMarisRacal???? “MAY EDAD NA NA BEKI?!!!!”!!!! Talaga lang ha!!!!!" ani Vice Ganda.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang lumang vlog, ginawa nila Maris Racal, Jai Agpangan, at Kyo Quijano ang "Pipilahan o Di Pipilahan" challenge.

Ang larong ito ay inspired ng kantang "Pumila Ka" ni Maris at may parehong mechanics ng "Jojowain o Trotropahin" challenge, kung saan tinutukoy nila kung sino sa mga personalidad ang pipilahan o hindi at ipinaliwanag kung bakit.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Read also

Willie Revillame, ipinaliwanag kay Gretchen Ho kung anong klaseng lalake ang may future

Samantala, marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco kay Maris. Nagdiriwang ng kaarawan si Maris noong Setyembre 22. Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan. Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate