Rico Blanco sa birthday greeting kay Maris Racal: "My sunshine, my star"

Rico Blanco sa birthday greeting kay Maris Racal: "My sunshine, my star"

- Marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco sa girlfriend niyang si Maris Racal

- Nagdiriwang ng ika-26 na kaarawan si Maris ngayong Setyembre 22

- Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan

- Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpakilig sa maraming netizens ang sweet birthday greeting ni Rico Blanco sa girlfriend niyang si Maris Racal.

Rico Blanco sa birthday greeting kay Maris Racal: "My sunshine, my star"
Rico Blanco and Maris Racal (Rico Blanco)
Source: Facebook

Sa kanyang social media post, tinawag ni Rico na "My sunshine, my star" si Maris.

"More adventures more dates more memories with you happy birthday my sunshine my star"

Matatandaang taong 2021 sa programang Magandang Buhay, kinumpirma ni Maris ang espekulasyon ng marami na may relasyon sila ni Rico.

Read also

Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, bago pa man ang pandemya ay nagkakamabutihan na sila ng dating miyembro ng grupong Rivermaya.

Sinasabing sa kabila ng 25 na taon na agwat sa kanilang edad, labis na nagkasundo ang dalawa dahil sa musika.

Si Rico Blanco ay isa sa mga kilalang OPM singer na nagpasikat ng mga kantang Yugto, Your Universe and Antukin. Una siyang naging bahagi ng bandang Rivermaya kung saan bokalista nila noon si Bamboo. Lalong gumawa ng ingay sa music scene si Rico nang aminin nila ni Maris Racal ang real-score sa kanilang relasyon.

Kapansin-pansin na marami ang natuwa at kinilig sa kanilang pag-amin sa kabila ng agwat nila sa edad. Kitang-kita na nagkakasundo ang dalawa sa maraming bagay lalo na pagdating sa musika kung saan pareho silang nabiyayaan ng talento.

Read also

Christian Bables sa nakakakilig na eksena nina Jennica at Argel: "Hanggang jan lang yan"

Kamakailan, nagpakilig ang dalawa sa mga netizens nang konsultahin ni Rico si Maris tungkol sa kanyang DIY na haircut. Kitang kita namang nagustuhan ito ng singer-actress at sinabing aprubado niya ang bagong hairstyle ng boyfriend.

Samantala, si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel