Alexa Gutierrez, may madamdaming mensahe sa asawang si Elvis Gutierrez sa kanilang anniversary

Alexa Gutierrez, may madamdaming mensahe sa asawang si Elvis Gutierrez sa kanilang anniversary

- Nagbahagi si Alexa Gutierrez ng madamdaming mensahe para sa asawang si Elvis Gutierrez sa kanilang anibersaryo habang siya ay patuloy na lumalaban sa Leukemia

- Pinasalamatan niya ang asawa sa walang sawang pagmamahal at suporta lalo na sa mga panahong siya ay mahina

- Binanggit ni Alexa na tinuturuan sila ng Diyos na maging matatag at mapagpasalamat sa bawat hininga at pagmamahal mula sa mga tao sa kanilang paligid

- Matatandaang kamakailan ay nagbigay rin ng mensahe si Annabelle Rama para kay Alexa sa gitna ng kanyang pinagdadaanan

Nagbahagi ng isang madamdaming mensahe si Alexa Gutierrez para sa kanyang asawang si Elvis Gutierrez sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Alexa na patuloy siyang lumalaban sa kanyang laban sa Leukemia habang nasa ospital.

Alexa Gutierrez, may madamdaming mensahe sa asawang si Elvis Gutierrez sa kanilang anniversary
Alexa Gutierrez, may madamdaming mensahe sa asawang si Elvis Gutierrez sa kanilang anniversary
Source: Instagram

Aniya, "Still in the hospital fighting my battle with Leukemia. God is teaching us to be strong and courageous. Above all, today he is reminding us to be thankful for every breath & love the people around you."

Read also

Kris Aquino, uuwi ng Pilipinas matapos ang umano'y kinatatakutang gamutan

Pinasalamatan din ni Alexa ang kanyang asawa para sa walang sawang pagmamahal at suporta sa kanya, lalo na sa mga panahong siya'y mahina. "Thank you love for loving me truly in sickness & in health. Grateful that when there are days that I am weak you are strong. Happy Anniversary, truly always & forever my love."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang kamakailan ay nagbahagi rin si Annabelle Rama ng kanyang mensahe sa kanyang manugang sa gitna ng pinagdadaanan nitong sakit. Lubos ang pasasalamat ni Alexa sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay sa patuloy na suporta at pagmamahal na natatanggap niya.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Read also

Lexter Castro, dinagsa ng delivery; riders, naperwisyo sa mga fake orders

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel