Kulot, nagpa-wow sa marami sa husay ng acting niya sa Showing Bulilit

Kulot, nagpa-wow sa marami sa husay ng acting niya sa Showing Bulilit

- Marami ang humanga kay Kulot sa husay ng kanyang pag-arte

- Ito ay nang gayahin nila ni Jaze ang isang eksena sa pelikulang 'The Hows of Us' ng Kathniel

- Nagulat ang marami sa tindi ng emosyong ipinakita nina Kulot at Jaze

- Dalawa lamang sila sa mga batang magiging bahagi ng bagong pamilya ng 'Goin' Bulilit'

Talagang pinalakpakan ng marami ang husay sa pag-arte ni Kulot sa It's Showtime segment na 'Showing Bulilit.'

Doon, ginaya nila ni Jaze ang iconic scene sa 'The Hows of us' na isa sa mga huling proyekto ng KathNiel.

Kulot, nagpa-wow sa marami sa husay ng acting niya sa Showing Bulilit
Kulot, nagpa-wow sa marami sa husay ng acting niya sa Showing Bulilit (It's Showtime, ABS-CBN)
Source: Facebook

Napabilib ni Jaze, lalo na ni Kulot ang marami nang tumulo na ang kanyang luha sa tindi ng ipinakita nilang eksena.

Narito ang ilang mga komento ng netizens na nakapanood sa 'pang best actress' na acting ni Kulot.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Direk Bobot Mortiz, nabanggit ang tungkol sa mga bagong casts ng Goin' Bulilit

"Noon pa man, kita ko nang may future sa showbiz si Kulot. Keep it up!"
"Ang galing! to think na hindi lang yun ang kailangan nilang i-memorize na scene ah. Bravo kids!"
"Hindi nagkamali ang It's Showtime na kunin ang mga batang ito. Ang gagaling. Adorable and talented talaga"
"Alagaan si Kulot. Hahakot ng awards yan!"
"Best actress ang aktingan mo Kulot! Napakahusay"

Samantala, inaasahang magiging bahagi ng bagong mga miyembro ng Goin' Bulilit sina Kulot at Jaze kaya't mapapadalas na makita natin silang umarte at magbigay saya sa mga manonood.

Narito ang kabuuan ng eksena ni Kulot na ibinahagi rin ng ABS-CBN:

Ang 'Showing Bulilit' ay isang segment sa It's Showtime kung saan ginagaya ng mga batang kasama nila sa programa ang ilang eksena sa pelikula. Papahulaan nila ito sa mga hosts. Sa segment na ito, umaani ng papuri ang batang bahagi ng It's Showtime family sa husay ng kanilang pag-arte at paggaya sa mga kilalang artista sa iba't ibang pelikula.

Read also

Melai, may ilan umanong kondisyon sakaling ibigay ang role ni AiAi sa Tanging Ina

Samantala, tulad ng 'Showing Bulilit,' isa rin sa pinakaabangang segment ng It's Showtime ang EXpecially For you. Matatandaang isa sa mga naging panauhin nito si Diana ang ex ng R&B singer na si Keith Martin. Sa naturang episode, ipinakilala ni Diana ang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Keith.

Kamakailan, gumawa ng kasaysayan ng It's Showtime ang searcher na si Bibe at ex nitong si Dudong ng EXpecially for you. Matapos ang sana'y pilian sa mga searchee, ang pinili pa rin ni Bibe ay ang kanyang ex na si Dudong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel