Ex-fiancée ng "Because of You" singer na si Keith Martin, ipinakilala ang kanilang anak

Ex-fiancée ng "Because of You" singer na si Keith Martin, ipinakilala ang kanilang anak

- Ipinakilala ng ex-fiancée ni Keith Martin ang kanilang anak nang maging panauhin ito sa It's Showtime

- Sa segment na Expecially for you, naikwento ni Diana, ex-fiancée ng yumaong singer ang tungkol sa naging bunga ng kanilang pagmamahalan

- Walong taon din ang itinagal ng kanilang on-off relationship at ngayon, 16-anyos na ang kanilang anak

- At dahil wala umanong pamilya si Keith dito sa Pilipinas, nasa pangangalaga nila ang labi nito

Ibinida ng ex-fiancée ng yumaong singer na si Keith Martin ang kanilang anak nang maging panauhin ito segment na Expecially for you sa It's Showtime.

Ex-fiancée ng "Because of You" singer na si Ketith Martin, ipinakilala ang kanilang anak
Keith Martin (Keith Eric Martin)
Source: Facebook

Sa nasabing programa, nausisa ni Vice Ganda kung ano ang pinakamaganda umanong regalo na naibigay ng yumaong singer sa dati nitong nakarelasyon na si Diana Dayao.

Doon, ipinakilala ni Diana ang 16-anyos nilang anak na si Dion.

Walong taon din ang on and off relationsip nina Diana at Keith. Katunayan, siya umano ang tinutukoy ng singer sa sumikat nitong kanta na "Because Of You."

Read also

Boy Abunda, nakuhaan ng pahayag si Philmar Alipayo ukol sa viral video nito kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinandugan na rin ni Keith si Diana ng kanila sanang engagement ring subalit hindi ito kasya. Ipare-resize pa sana ito subalit dala rin umano ng ibang pangyayari sa kanilang relasyon, hindi na rin ito natuloy.

"Hindi ko nasuot. Sabi niya, he'll have it resized, pero hindi na niya nabalik. Hanggang nagkalimutan na. And I was very young then, I just graduated college eh. Syempre may certain expectations ka sa buhay, Tapos nagka-anak na kayo mas nag-focus na kayo kung paano bubuhayin, papalakihin. And then si Keith, parang ano rin naging busy kasi he's an artist. Kung saan may opportunity na mag-work, kung abroad, abroad. Isa ako sa nag-encourage sa kanya hanggang sa nalipasan na yung plan ng marriage. Nagkaroon na rin ng konting conflict. Hanggang sa hindi natuloy"

Bagama't matagal na silang wala, siniguro raw nilang sabay nilang napalalaki noon ang anak.

Read also

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang makeup tutorial video

Dahil wala umanong ibang pamilya si Keith dito sa Pilipinas, nasabi ni Diana na nasa kanila pa rin ng kanilang anak ang mga labi nito.

Taong 2022 nang matagpuang wala nang buhay ang nagpasikat ng kantang 'Because of You' na si Keith Martin sa kanyang condo sa Quezon City.

Ang Expecially For You ay isa sa mga pinaaabangang segment sa it's Showtime. Ang kakaiba sa portion na ito, may pagkakataong ang ex mismo ng searcher ang kasama niya upang tulungan siyang makahanap ng panibagong pag-ibig. Sa ibang pagkakataon, taong malalapit sa searcher ang kanilang nakakasama upang makilatis ang searchee na para sa kanila.

Tulad na lamang ng naganap sa espesyal na episode ng Expecially for You kung saan si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang searcher, kasama ang kanyang inang Beauty Queen actress na si Melanie Marquez.

Doon, napili ni Michelle si Oliver Oliver Moeller. Makalipas ang isang linggo, nagbigay ng update ang It's Showtime sa naganap na date na dalawa. Puro papuri ang nasabi ni Oliver kay Michelle na nilarawan niya bilang isang "very intelligent" "very easy to talk to" at isa umanong "lovely person"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel