EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

- Nagtala umano ng kasaysayan sa 'It's Showtime' ang searcher na si Bibe at ex nitong si Dudong

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinama ni Vice Ganda sa pagpipilian ang ex ng searcher

- Gumulantang sa mga manonood ang pinili ni Bibe na tila ba'y ikinatuwa pa nila

- Marami rin umano ang naluha at naging emosyonal matapos makapili ng searcher

Muling gumawa ng ingay ang EXpecially For You ng It's Showtime matapos na gumawa ng kasaysayan ang searcher na si Bibe at kanyang ex na si Dudong.

EXpecially for you searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili
EXpecially for you searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili (It's Showtime)
Source: Youtube

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinama ng host ng programa na si Vice Ganda sa pamimilian ang ex ng seacher.

"For the very first time in the history of ABS-CBN's It's Showtime's EXpecially for you, dahil lahat ay may green flag, isasama natin ang iyong ex," pahayag ni Vice.

Read also

Rosmar, personal na nag-abot ng tulong sa burol ng nanalo sa kanyang tattoo challenge

"Kung kasama ang iyong ex na si Dudong sa pagpipilian, isa pa rin ba sa tatlong searchees ang pipiliin mo? O si Dudong nalang ulet?" ang katanungan ni Vice na tila pinag-isipan ni Bibe.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binigyan siya ng sampung segundo bago sagutin ang naturang tanong.

"Lahat naman sila okay sa'kin. Kaya lang napag-isip isip ko, si Dudong, alam na niya ugali ko, pano niya i-handle ugali ko, kung paano ako maging moody, ganyan. Kaya napag-isipan ko na, why not pagbigyan ko naman ulit yung pagmamahalan namin na pinutol ko."

Gumulantang ito sa kanilang mga tagapanood sa studio na nagtayuan at nagsigawan dahil sa pinili ni Bibe.

Maging si Dudong ay nagulat sa naging desisyon ni Bibe subalit mapapansin ang sayang naramdaman nito.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa naturang segment mula sa It's Showtime, ABS-CBN Entertainment YouTube:

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

Ang Expecially For You ay isa sa mga inaabangang segment sa It's Showtime. Ang kakaiba sa portion na ito, may pagkakataong ang ex mismo ng searcher ang kasama niya upang tulungan siyang makahanap ng panibagong pag-ibig. Sa ibang pagkakataon, taong malalapit sa searcher ang kanilang nakakasama upang makilatis ang searchee na para sa kanila.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ng ina ng searcher sa ex-boyfriend ng kanyang anak. Ito ay dahil sa hayagang sinabi nito na ayaw niya ang dating nobyo dahil umano sa estado nito. Gayunpaman, sinabi naman ng magkabilang panig na ayos na sila ngayong tapos naman na ang relasyon ng dalawa.

Samantala, matatandaang isa rin sa pinakatutukang episode ng nasabing segment ng It's Showtime ay nang maging panauhin nila bilang searcher ang Miss Universe Philippines na si Michelle Marquez-Dee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel