Pasilip sa bahay ni Gretchen Barretto, binahagi ni Dr. Aivee

Pasilip sa bahay ni Gretchen Barretto, binahagi ni Dr. Aivee

- Binahagi ni Dra. Aivee Teo ang house tour ni Gretchen Barretto sa pamamagitan ng isang YouTube video

- Sa naturang video ay nagbalik-tanaw sina Gretchen at Dra. Aivee kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan 17 taon na ang nakakalipas

- Inilibot ni Gretchen ang kanyang mga kaibigan sa iba't-ibang bahagi ng kanyang bahay kung saan makikita rin ang ilan sa kanilang mga collections

- Marami ang humanga sa collection niya ng plato na mula sa mga mamahaling brands at ang iba sa mga ito ay regalo daw sa kanya

Sa kanyang vlog ay binahagi ni Dra. Aivee Teo ang isang house tour sa bahay ng kilalang aktres na si Gretchen Barretto sa pamamagitan ng isang YouTube video. Sa naturang video, masayang nagbalik-tanaw sina Gretchen at Dra. Aivee sa kanilang matagal nang pagkakaibigan na nagsimula pa 17 taon na ang nakakalipas.

Read also

Tito Mars, nagbahagi ng house tour sa bahay kung saan siya lumaki

Pasilip sa bahay ni Gretchen Barretto, binahagi ni Dr. Aivee
Pasilip sa bahay ni Gretchen Barretto, binahagi ni Dr. Aivee
Source: Youtube

Sa paglilibot sa bahay, ipinakita ni Gretchen ang iba't ibang bahagi ng kanyang tahanan kasama ang kanyang mga kaibigan. Namangha ang mga manonood sa mga magagandang koleksyon ni Gretchen, partikular na ang kanyang mga plato na mula sa mga kilalang mamahaling brands. Ayon pa sa aktres, ilan sa mga plato ay mga espesyal na regalo sa kanya.

Marami ang humanga at nagpahayag ng paghanga sa kagandahan ng bahay ni Gretchen at sa kanyang kahusayan sa pag-aalaga at pagpili ng mga kagamitan. Patuloy na inaabangan ng mga tagahanga ang mga susunod pang videos na magpapakita ng iba pang bahagi ng kanyang buhay at tahanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Gretchen Castelo Barretto ay sumikat sa mundo ng showbiz at kapatid nina Claudine at Marjorie Barretto. Bukod sa pag-arte ay isa ring recording artist noon si Gretchen.

Read also

Ryzza Mae Dizon, sinorpresa ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan

Pang-lima siya sa pitong mga anak nina Miguel Alvir Barretto at Estrella Castelo Barretto. Mayroong isang anak ang aktres sa kanyang partner na businessman, si Antonio "Tony Boy" Cojuangco Jr.

Matatandaang usap-usapan ang video na ibinahagi ni Gretchen Barretto na talaga namang lumikha nang ingay. Pinasilip ni Gretchen kung gaano na siya kasanay humawak ng manok na panabong. Marami ang nanibago dahil nakasanayan ng marami na sa sosyalang party nila nakikita ang aktres. Kabilang ang ilang mga celebrities sa hindi napigilang mag-react sa kanyang ibinahaging video kamakailan.

Matapos ang kanyang pag-post ng sagot sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa sa isang ulat ng SMNI News, naka-private na ang Instagram account ni Gretchen. Sa kanyang huling post ay rumesbak si Gretchen kay dela Rosa matapos sagutin ng mambabatas ang mga akusasyon ng dating aktres. Naghamon pa ang dating aktres na willing siyang maglabas ng ebidensiya kaugnay sa kanyang akusasyon. Ayon pa kay Dela Rosa, "character assassination" ang ginawa ni Gretchen laban sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate