Celebrities, di napigilang mag-react sa husay sa paghawak ng manok ni Gretchen Barretto

Celebrities, di napigilang mag-react sa husay sa paghawak ng manok ni Gretchen Barretto

- Usap-usapan ang video na ibinahagi kamakailan ni Gretchen Barretto na talaga namang lumikha nang ingay

- Pinasilip ni Gretchen kung gaano na siya kasanay humawak ng manok na panabong

- Marami ang nanibago dahil nakasanayan ng marami na sa sosyalang party nila nakikita ang aktres

- Kabilang ang ilang mga celebrities sa hindi napigilang mag-react sa kanyang ibinahaging video kamakailan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging ang ilang mga artista ay tila nagulat at naaliw sa video na ibinahagi ni Gretchen Barretto kung saan tila sanay na sanay na itong maghawak ng manok na panabong.

Gretchen Barretto, ipinamalas ang kanyang husay sa paghawak ng manok
Gretchen Barretto (@gretchenbarretto)
Source: Instagram

Marami ang nanibago dahil nakasanayan ng marami na sa sosyalang party nila nakikita ang aktres.

Aminado naman ang host at komedyanteng si Giselle Sanchez na hindi nito kaya ang ginawa ni Gretchen. Sabi nito sa aktres, "Galing @gretchenbarretto ! I would be terrified.."

Read also

Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat

Tila naubusan naman ng salita sina Liz Uy, Gabby Eigenmann, Melissa Ricks, at Maritoni Fernandez at iba't ibang emojis na lang ang mga naikomento ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

Ha ha ha omg @gretchenbarretto your so brave holding that chicken
Sa totoo lang nakakatulong po ito minsan kasi pag manalo ko kahit 100 pesos lang ang taya malaki na basta wag lang abusado or malulong kasi nakakasama din kung baga pampalipas oras lang at laro laro lang wag maaddict
Ang dating maarte humahawak na ng buhay na manok

Si Gretchen Castelo Barretto ay sumikat sa mundo ng showbiz at kapatid nina Claudine at Marjorie Barretto. Bukod sa pag-arte ay isa ding recording artist noon si Gretchen.

Pang-lima siya sa pitong mga anak nina Miguel Alvir Barretto at Estrella Castelo Barretto.Mayroong isang anak ang aktres sa kanyang partner na businessman, si Antonio "Tony Boy" Cojuangco Jr.

Read also

Anne Curtis, nawindang matapos makita ang kanyang mag-amang iniwan nang 5 minutes

Matatandaang lumikha din ng ingay ang unang pagkakataong namataan si Gretchen sa sabungan.

Samantala, ibinida ni Ellen Adarna ang pinadalang Pasko box ni Gretchen sa kanila.

Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel