Gretchen Barretto, naka-pribado na ang Instagram account

Gretchen Barretto, naka-pribado na ang Instagram account

- Matapos ang kanyang pag-post ng sagot sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa sa isang ulat ng SMNI News, naka-private na ang Instagram account ni Gretchen Barretto

- Sa kanyang huling post ay rumesbak si Gretchen kay dela Rosa matapos sagutin ng mambabatas ang mga akusasyon ng dating aktres

- Naghamon pa ang dating aktres na willing siyang maglabas ng ebidensiya kaugnay sa kanyang akusasyon

- Ayon pa kay Dela Rosa, "character assassination" ang ginawa ni Gretchen laban sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang kanyang matapang na hamon kaugnay sa umano'y ebidensiya niya laban kay Sen. Bato dela Rosa, naka-pribado na ang Instagram account ni Gretchen Barretto.

Sa kanyang pinakahuling post nung bukas pa sa publiko ang kanyang IG, ibinahagi ni Gretchen ang screenshot ng balita tungkol sa mga banat sa kanya ni Dela Rosa sa interview nito sa SMNI News.

Gretchen Barretto, naka-pribado na ang Instagram account
Claudine Barretto at Gretchen Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

Ayon naman kay Dela Rosa, "character assassination" ang ginawa ni Gretchen laban sa kanya. Bago pa ang pagsasalitang itoni dela Rosa, kontrobersiyal din ang pahayag ni Gretchen sa social media kung saan kinukuwestiyon niya ang paraan ng pagtatanong ni dela Rosa sa pagdinig kaugnay sa E-sabong.

Pinuna din ang dating aktres ang aniya'y mamahaling suot na relo ng senador. Para naman sa senador, may karapatan naman daw siyang magmay-ari ng naturang relo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng P85K na halaga ng Tag Heuer na relo?

Matapang ang hamon ni Gretchen kay Dela Rosa: "I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato dela Rosa. In front of media. Time & place? Hurry pls "

Si Gretchen Castelo Barretto ay sumikat sa mundo ng showbiz at kapatid nina Claudine at Marjorie Barretto. Bukod sa pag-arte ay isa ring recording artist noon si Gretchen.

Pang-lima siya sa pitong mga anak nina Miguel Alvir Barretto at Estrella Castelo Barretto. Mayroong isang anak ang aktres sa kanyang partner na businessman, si Antonio "Tony Boy" Cojuangco Jr.

Matatandaang lumikha din ng ingay ang unang pagkakataong namataan si Gretchen sa sabungan.

Samantala, ibinida ni Ellen Adarna ang pinadalang Pasko box ni Gretchen sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel