Julia Barretto at Claudia Barretto, kinaaliwan sa kanilang "Drink and Spill" episode

Julia Barretto at Claudia Barretto, kinaaliwan sa kanilang "Drink and Spill" episode

- Sa kanyang bagong YouTube video, nakasama ni Julia Barretto ang kanyang kapatid na si Claudia Barretto para sa kanyang segment na Drink and Spill

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Sa bawat tanong na hindi masasagot nang tama ng bawat isa sa kanila ay kailangan nilang uminom

- Ayon pa kay Julia, ito umano ang unang Drink and Spill episode ng aktres para sa taong 2022

- Ilan sa kanyang mga naging guests sa kanyang segment na ito ay sina Marco Gumabao, Ina Raymundo, Dani Barretto at Gerald Anderson

Marami ang naaliw sa Drink and Spill episode ni Julia Barretto kung saan nakasama niya ang nakababatang kapatid na si Claudia Barretto. Sa bawat tanong na hindi masasagot nang tama ng bawat isa sa kanila ay kailangan nilang uminom.

Read also

Jake Ejercito, sinorpresa ng "kulay rosas" na birthday celebration

Julia Barretto at Claudia Barretto, kinaaliwan sa kanilang drink and spill episode
Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binuking ni Claudia ang umano'y "childish" na bagay na ginagawa pa rin ni Julia sa kasalukuyan. Kapag patulog umano ang kapatid ay pinapa-ikot-ikot nito ang kanyang kumot na aniya ay 25 na taong na rin. Ayaw din daw ni Julia nang pini-pressure siya.

Samantala, sa huling bahagi ng kanyang video ay sumali na rin ang iba pa nilang kapatid na sina Erich at Leon Barretto.

Narito ang ilan sa komento ng kanyang mga viewers:

Wow!! She still has her baby blanket. I wish I had mine. Hehe. But, it was made into a pillow case or has been thrown out.
Sana nkakahawa yung kagandahan nyo. Na search ko tuloy yung walang kapalit..ang cute mo dun Julia!
Ang ganda naman ni Claudia grabe nag glow talaga yung beauty and look so natural! No need na makeup such a natural beauty and has a natural ideal body. Naturally beautiful in all aspects!

Read also

Mayor Sara Duterte, ine-enjoy ang brown skin dahil sa umano'y 'lagare' schedule ng kampanya

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia.

Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Kamakailan ay nagbahagi din ng kanyang pahayag si Bea tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel