Jake Ejercito, sinorpresa ng "kulay rosas" na birthday celebration

Jake Ejercito, sinorpresa ng "kulay rosas" na birthday celebration

- Sa kanyang kaarawan, isang kakaibang sorpresa ang inihanda nina Jerika Estrada para sa kapatid na si Jake Ejercito

- Dahil isang tagasuporta ni Vice President Leni Robredo, isang "kulay rosas" na birthday celebration ang handog sa kanya ng kanyang pamilya

- Kahit si Bongbong Marcos ang sinusuportahan ni Jerika, aniya ay gagawin niyang kulay rosas ang espesyal na araw ng kapatid

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Maging ang music na pinatugtog nila ay ang campaign song ni VP Leni na Kay Leni Tayo

Pinatunayan ni Jerika Ejercito ang kanyang pagmamahal sa kapatid na si Jake Ejercito matapos nitong sorpresahin ang kapatid para sa kaarawan nito. Dahil isang tagasuporta ni Vice President Leni Robredo, isang "kulay rosas" na birthday celebration ang handog sa kanya ng kanyang pamilya.

Jake Ejercito, sinorpresa ng "kulay rosas" na birthday celebration
Jake Ejercito (@unoemilio)
Source: Instagram

Makikita ang isang video kung saan dumating si Jake at pinatugtog ang campaign song ni Leni na Kay Leni Tayo habang nagsasayawan ang mga tao sa kanilang bahay.

Read also

Julia Barretto at Claudia Barretto, kinaaliwan sa kanilang "Drink and Spill" episode

Nilinaw naman ni Jerika na kahit iba ang kanyang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo ay nais niyang pasayahin ang kanyang kapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

I am so proud of how you continue to grow into your own person. You have always been true to yourself no matter what and I admire you for it
You will always have my utmost respect and love in EVERYTHING that you do.So for today (only), at para sayo gawin nating kulay rosas ang araw na toh

Si Jake Ejercito o Juan Emilio Ejercito sa tunay na buhay ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez. Siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kasama siya sa seryeng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Read also

Sharon Cuneta, humingi ng dispensa sa mga nasabi sa kanyang post

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya.

Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel