Sharon Cuneta, humingi ng dispensa sa mga nasabi sa kanyang post

Sharon Cuneta, humingi ng dispensa sa mga nasabi sa kanyang post

- Minabuti ni Sharon Cuneta na ihayag ang kanyang saloobin kaugnay sa kontrobersiyal niyang post tungkol sa pagkanta ng kanyang awitin sa isang campaign sortie

- Aniya, nainsulto siya at pakiramdam niya ay parang minamaliit umano ang kanyang asawa at ang pagtakbo niya bilang Vice President ng bansa

- Hindi rin niya umano alam na may special child si Senatorial aspirant Salvador Panelo kagaya sa kanyang nilabas na pahayag

- Hindi niya umano maisip kung kailan siya nagdamot dahil mula nang bata siya ay masaya siya kapag nakakapagbigay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang mahabang post, binahagi ni Sharon Cuneta ang kanyang saloobin hinggil sa kontrobersiyal na post niya kamakailan. Inihingi niya rin ng dispensa ang kanyang ginamit na mga salita sa naturang post.

Sharon Cuneta, humingi ng dispensa sa kanyang paglabas ng saloobin
Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg)
Source: Getty Images

Kahit bugbog na bugbog na umano ang isyu, minabuti niyang ilabas ang kanyang panig.

Read also

Kaibigan ni Ana Jalandoni, inilabas ang screenshot ng pag-uusap nila ng aktres

I posted about someone singing my song during a campaign sortie that wasn’t one of VP Leni and Kiko’s. I thought that since I said “I only allow Leni-Kiko (people) to sing it (during campaign season is what I meant)”, people would understand why I reacted in such a way.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakaramdam umano siya ng pang-iinsulto dahil pakiramdam niya ay parang minamaliit umano ang kanyang asawa at ang pagtakbo niya bilang Vice President ng bansa.

Truth is, I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako.

Aniya 36 years old na ang kanyang kanta at marami na ang umawit ng kanta niya ngunit hindi niya ipinagdamot iyon. Gayunpaman, dahil panahon ng kampanya iba ang naging dating sa kanya.

Read also

Dagul, nagbabantay sa munting tindahan nila sa kanilang bahay

Pero panahon ng kampanya ngayon. Iba ang dating sa akin nung inawit ng politiko na hindi namin kapartido.

Humingi siya ng dispensa sa mga nasabi sa kanyang post.

So though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner - no matter what. I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang post ng Megastar kung saan kapansin-pansin ang kanyang pagbawas ng timbang.

Naibahagi niya din kamakailan ang kanilang simple na pagdiriwang sa kaarawan ng anak niyang si Miel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel