Daniel Padilla, sinaway ang isang audience: "Yung nambabato ng bote dyan, tigilan mo yan"

Daniel Padilla, sinaway ang isang audience: "Yung nambabato ng bote dyan, tigilan mo yan"

- Binalaan ni Daniel Padilla ang isa sa kanyang audience habang nasa concert siya sa Davao del Norte

- Habang umuulan ay hindi nagpatinag si Daniel sa kanyang pagbibigay saya sa manonood

- Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang audience na nambabato daw ng bote

- Sinabihan niya itong itigil ang ginagawa at nakikita niya ang pambabato nito

Sa kanyang pinakabagong pagtatanghal sa Davao del Norte, hindi lamang nagbibigay ng kasiyahan si Daniel Padilla. Sinubukan din niyang panatilihing ligtas at hindi magkasakitan ang mga tao.

Daniel Padilla, sinaway ang isang audience: "Yung nambabato ng bote dyan, tigilan mo yan"
Daniel Padilla, sinaway ang isang audience: "Yung nambabato ng bote dyan, tigilan mo yan"
Source: Instagram

Sa kabila ng pag-ulan, patuloy pa rin siyang nagpakitang-gilas sa entablado, nagpapaligaya sa maraming manonood. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang dedikasyon sa pagpapamalas ng kanyang mga talento, isang hindi kaaya-ayang pangyayari ang nakakuha ng kanyang patensiyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Lolit Solis, nagbigay ng opinyon tungkol sa umano'y hiwalayang Paolo Contis at Yen Santos

Napansin niya ang isang indibidwal na tila nagbabato ng bote. Agad niyang tinawag ang pansin ng audience at mariing sinaway ang nasabing manonood, na may salitang, "Yung nambabato ng bote dyan, tigilan mo yan." Sa ganitong paraan, ipinakita ni Daniel ang kanyang pangangalaga hindi lamang sa kaligtasan ng kanyang mga tagahanga kundi pati na rin sa kaayusan at kalinisan ng lugar ng pagtatanghal.

Si Daniel Padilla, o kilala rin bilang Daniel John Ford Padilla, ay isang kilalang aktor, mang-aawit, at modelo sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang pagganap sa mga teleserye at pelikula, at isa siya sa mga sikat na artista ng kinabilangan ay ang mga teleseryeng "Princess and I," "Got to Believe," at "La Luna Sangre." Kasama rin siya sa ilang matagumpay na pelikula tulad ng "She's Dating the Gangster," "Crazy Beautiful You," at "The Hows of Us."

Marami ang nakapansin sa pagkawala ng breakup message ni Daniel para kay Kathryn. Ang kanyang post sa Instagram na dati ay binubuo ng tatlong picture kalakip ang message ni DJ ay dalawang picture na lang sa kasalukuyan. Dahil dito ay napaisip ang netizens lalo na ang fans ng KathNiel kung ano ang dahilan kung bakit nawala ang message ni DJ. Nabuhayan ng loob lalo na ang mga fans na umaasang magkakabalikan pa sila.

Read also

Annabelle Rama, muling nag-post tungkol sa tinukoy niyang 'Chucky doll'

Natatandaang usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel