Breakup message ni Daniel Padilla para kay Kathryn Bernardo, burado na

Breakup message ni Daniel Padilla para kay Kathryn Bernardo, burado na

- Marami ang nakapansin sa pagkawala ng breakup message ni Daniel padilla para kay Kathryn Bernardo

- Ang kanyang post sa Instagram na dati ay binubuo ng tatlong picture kalakip ang message ni DJ ay dalawang picture na lang sa kasalukuyan

- Dahil dito ay napaisip ang netizens lalo na ang fans ng KathNiel kung ano ang dahilan kung bakit nawala ang message ni DJ

- Nabuhayan ng loob lalo na ang mga fans na umaasang magkakabalikan pa sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usapan-usapan si Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na burado na ang kanyang breakup message para kay Kathryn Bernardo. Matapos ang dalawang araw na magkasunod silang nakitang magkasama sa mga event, lalong nabuhayan ng loob ang mga fans na umaasang magkakabalikan pa sila.

Breakup message ni Daniel Padilla para kay Kathryn Bernardo, burado na
Breakup message ni Daniel Padilla para kay Kathryn Bernardo, burado na
Source: Instagram

Matapos nga magpost ni Kathryn ng pag-amin niya tungkol sa paghihiwalay nila ni Daniel, nag-post din ang aktor. Sa kanyang post ay kabilang ang picture nilang dalawa, ang picture ni Kathryn at ng aso nila at ang mensahe niya para kay Kathryn.

Read also

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, muling nagkasama sa ABS-CBN Christmas Special

Para sa ilang netizens, magandang pahiwatig daw ito lalo at nakita ng publiko na maayos ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Todo-alalay pa rin at asikaso si Daniel kay Kathryn sa mga events na kanilang dinaluhan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Ina ni Kathryn Bernardo, pinabulaanang lilipat ng network ang anak

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate