Paulo Avelino: "Kim just came from a relationship so hayaan muna natin mag-enjoy yung mga tao"
- Sinabi ni Paulo Avelino na nauunawaan niya ang hinihiling ng mga fans na maging sila ni Kim sa totoong buhay ngunit mas mabuti anya na maghintay ng tamang panahon
- Sang-ayon naman si Kim Chiu na dapat i-enjoy muna nila ang kasalukuyan at nagpapasalamat sila sa suporta ng mga fans na patuloy na nagpapataas ng ratings ng kanilang palabas sa Viu app
- Bagamat hindi inaasahan, naging matagumpay ang kanilang palabas sa Viu app, na palaging nasa No. 1 spot mula nang ito'y ipalabas
-Ayaw ni Kim na tawagin silang loveteam at mas gusto niyang ituring bilang "tandem" o "onscreen partners" upang hindi maipit sa stigma ng loveteam sa showbiz
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inilahad ni Paulo Avelino ang kanilang pag-unawa sa matinding pressure mula sa mga tagahanga na sana'y maging sila ni Kim Chiu sa totoong buhay.
Sa panayam ng Philstar, sinabi ni Paulo, na nauunawaan niya kung saan nanggagaling ang mga hiling ng mga tagahanga, ngunit iginiit na dapat mag-ingat at maghintay ng tamang panahon.
Tumugon naman si Kim Chiu, sinabing mahalaga na i-enjoy muna ang kasalukuyan at pasalamatan ang mga tagahanga sa kanilang patuloy na suporta, na patuloy na nagpapataas ng ratings ng kanilang palabas sa Viu app.
Bagamat hindi inaasahan nina Kim at Paulo ang tagumpay ng kanilang tambalan sa bagong streaming platform, ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat dahil palaging nasa No. 1 ang kanilang palabas sa Viu app mula nang ito'y mag-debut.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagpahayag ng pangamba si Paulo tungkol sa paggawa ng palabas para sa isang streaming platform, ngunit nagpapasalamat sila sa patuloy na suporta ng kanilang mga tagahanga na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapa-trend ng bawat episode ng kanilang palabas.
Samantala, sa isang ulat ng ABS-CBN News, binahagi nina Kim at Paulo ang kanilang bagong discoveries sa isa't-isa.
Inamin ni Kim na ang kanilang viral na kissing scene ang pinaka intense na nagawa niya sa kanyang buong showbiz career. Sa panayam ng ABS-CBN News, nabahagi ni Kim ang tungkol dito.
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh