Diwata, kinuwento ang tungkol sa customer: "Hinintay lang na may dumapong langaw"

Diwata, kinuwento ang tungkol sa customer: "Hinintay lang na may dumapong langaw"

- Binahagi ni Diwata ang insidente na naging dahilan upang lumabas siya kahit magpapahinga na sana siya

- Isang customer umano ang umorder pero hindi naman kumain at nilagay lang sa mesa ang pagkain

- Hinintay daw nito na dapuan ng langaw ang pagkain at saka nag-picture at nag-video

- Pagkatapos daw sa ginawang ito ng customer ay agad naman daw itong umalis

Binahagi ni Diwata ang isang insidente na naganap sa kanyang paresan. Ayon kay Diwata, nagdesisyon siyang lumabas mula sa kanyang pahinga matapos siyang tawagin ng kanyang mga tauhan dahil sa kakaibang asal ng isang customer.

Diwata, kinuwento ang tungkol sa customer: "Hinintay lang na may dumapong langaw"
Diwata, kinuwento ang tungkol sa customer: "Hinintay lang na may dumapong langaw"
Source: Facebook

Ayon sa kanyang salaysay, isang customer ang umorder ng pagkain ngunit hindi naman ito kinain. Sa halip, inilagay lamang ng customer ang pagkain sa mesa at tila naghintay ng ilang sandali.

Sa pagkukuwento ni Diwata, ang customer ay tila sadyang hinintay na dapuan ng langaw ang pagkain. Nangyari nga ito, at saka mabilisang nag-picture at nag-video ang customer ng pagkain na may langaw.

Read also

Brenda Mage sa nagsabing pera-pera lang ang pakikipagrelasyon nya: "Edi mag ipon kayo"

Matapos gawin ito, agad na umalis ang customer nang hindi man lamang kumain o nagpahayag ng anumang reklamo. Lumabas si Diwata para sana kausapin ang naturang customer ngunit hindi na daw niya ito inabutan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Read also

Crissa Liaging, may panibagong post: "Tao lang po nagkakamali"

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel