Alex Gonzaga, sinagot ang komento ni Sen. Loren Legarda: "Tignan natin kung manggigigil din si lodi"

Alex Gonzaga, sinagot ang komento ni Sen. Loren Legarda: "Tignan natin kung manggigigil din si lodi"

- Binahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot ng naging komento ni Sen. Loren Legarda sa kanyang post na kanya ding sinagot

- Sa kanyang 'Mareng Mar' na video na binahagi, napakomento si Sen. Loren kung saan natanong niya si Alex kung ano ang ginagawa nito

- Sinagot ito ni Alex na lumaki daw siya sa farm at titingnan daw niya kung manggigigil din si Sen. Loren sa sagot niya

- Natawa naman ang senadora sa sagot na ito ni Alex at sinagot ito ng laughing emoji

Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot ng naging komento ni Sen. Loren Legarda sa kanyang post na kanya ding sinagot. Sa kanyang 'Mareng Mar' na video, kung saan makikita si Alex na nag-ala Marimar, napakomento si Sen. Loren at tinanong kung ano ang ginagawa ni Alex.

Alex Gonzaga, sinagot ang komento ni Sen. Loren Legarda: "Tignan natin kung manggigigil din si lodi"
Alex Gonzaga, sinagot ang komento ni Sen. Loren Legarda: "Tignan natin kung manggigigil din si lodi"
Source: Instagram

Sinagot ito ni Alex ng pabiro, "Lumaki daw ako sa farm." Sa kanyang post kung saan binahagi niya ang screenshot, sinabi niyang, tignan daw niya kung manggigigil din si Sen. Loren sa sagot niya. Natawa naman ang senadora sa sagot na ito ni Alex at sinagot ito ng laughing emoji.

Read also

Chelsea Manalo, sa viral 'crown' photo: "hindi ko talaga naramdaman na it would fall"

Ang palitan ng mga komento na ito ay mabilis na kumalat sa social media at nagdulot ng kasiyahan sa kanilang mga followers. Marami ang natuwa sa pagiging natural at masayahin ni Alex, pati na rin sa pagiging sport ni Sen. Loren sa pakikipagbiruan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram story ang nakakaantig na video ng asawa niyang si Mikee Morada. May dala itong bulaklak at regalo para sa kanya sabay binati siya ng Happy Mother's Day. Maririnig naman din ang uncle ni Alex na kilala bilang si Uncle Jojo na nagsasalita at nagsabing advance masyado si Mikee. Marami ang naantig sito lalo at hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pinagdaanan ng mag-asawa matapos hindi matuloy ang pagbubuntis ni Alex.

Read also

Kim Molina, nag-post ng picture kasama si Jerald Napoles at Salome Salvi: "Buti nagising ako"

Kamakailan ay ibinida ni Alex ang kanyang todo-effort na video upang maaliw ang pamangkin niyang si Polly na tuwang-tuwa sa American YouTuber na si Ms. Rachel. Kaya naman, sa kanyang video ay sinubukan niyang gayahin si Ms. Rachel ngunit tila hindi pa rin naaliw si Polly. Ani Alex, fail ang kanyang effort pero gayunpaman marami ang naaliw at natuwa sa kanyang pagiging mapagmahal na tita. Pinakita pa ni Alex ang pinagkaiba ng reaksiyon ng pamangkin nang panuorin siya at si Ms. Rachel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel