Chelsea Manalo, sa viral 'crown' photo: "hindi ko talaga naramdaman na it would fall"

Chelsea Manalo, sa viral 'crown' photo: "hindi ko talaga naramdaman na it would fall"

- Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, naikwento ni Chelsea ang tungkol sa nag-viral na larawan niya

- Ito ay nang unang mailagay ni Miss Universe Philippines 2023, Michelle Dee ang korona sa kanya

- Naging usap-usapan ito dahil nabalanse umano ni Chelsea ang kanyang korona na sa huli'y naiayos naman ito ng lagay

- Matatandaang maging si Michelle ay nag-react din sa kung paano niya unang nailagay ang korona kay Chelsea

Sa Fast Talk with Boy Abunda, nausisa ang bagong hirang na Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Manalo tungkol sa nag-viral niyang "crowning moment."

Chelsea Manalo, sa viral "crown" photo: "hindi ko talaga naramdaman na it would fall"
Chelsea Manalo and Michelle Dee (@michelledee/ @themissuniverseph)
Source: Instagram

Matatandaang mabilis na naging usap-usapan ito dahil sa kabila ng pagkakapatong ng korona sa kanyang ulo, kahit hindi pa umano ito maayos, ay hindi ito nahulog.

"Tito Boy there's a weight to the crown. When Michelle put it in my head, hindi ko talaga naramdaman na it would fall."

Read also

Chelsea Manalo, hindi umano natakot kay Miss Iloilo: "She's my best friend"

Hanggang sa naigalaw niya ang kanyang ulo, doon ay agad naman itong naayos ni Michelle.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Until then when I tilt my head, It felt like it would gonna move but Michelle fixed it naman"

Matatandaang maging sa social media post ni Michelle, napa-react din siya sa viral photo ni Chelsea kung saan una niyang naipatong lamang ang korona.

Samantala, narito ang kabuuan ng panayam ni Boy Abunda kay Chelsea mula sa GMA Network YouTube:

Si Chelsea Manalo ang bagong hirang na Miss Universe Philippines 2024. Siya ang kinatawan ng Bulacan. Bukod sa nasabing korona, nakuha rin niya ang special award na Miss Jojo Bragais.

Isa sa mga unang bumati sa pagkapanalo ni Chelsea ay ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee. Nilarawan ni Michelle si Chelsea bilang "woman with a genuine heart" gayung bahagya niya raw itong nakausap sa backstage ng pageant.

Read also

Alden Richards, nag-komento sa post ni Robi Domingo: "Makakabawi din ako sa'yo"

Samantala, naglabas naman ng kanyang saloobin si Miss Cainta patungkol umano sa kanyang heartbreak sa nasabing paligsahan. Bagama't hindi nasungkit ang korona, siya ang tinanghal na 1st runner-up at iniaalay niya umano ito sa kanyang ina. Aniya, ipagdarasal din niya umano ang pagiging kinatawan ni Chelsea sa Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mexico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel