Chelsea Manalo, hindi umano natakot kay Miss Iloilo: "She's my best friend"

Chelsea Manalo, hindi umano natakot kay Miss Iloilo: "She's my best friend"

- Naging panauhin ni Boy Abunda ang bagong itinanghal na Miss Universe Philippines 2024 na si Chelse Manalo

- Ilan sa mga napag-usapan nila ay ang tungkol sa iba pang mga kandidatang nakasalamuha niya sa paligsahan

- Isa na rito si Miss Iloilo na hindi umano kinatakutan ni Chelsea

- Aniya, isa si Miss Iloilo sa mga una niyang nakasama mula nang magsimula ang pageant

Pinaunlakan ni Miss Universe Philippines Chelsea Manalo ang programang Fast Talk with Boy Abunda.

Chelsea Manalo, hindi umano natakot kay Miss Iloilo: "She's my best friend"
Chelsea Manalo (@manalochelsea) (Miss Universe Philippines)
Source: Facebook

Isa sa mga napag-usapan nila ni Boy Abunda ay ang tungkol sa mga mahihigpit na nakalaban umano ni Chelsea sa prestihiyosong beauty pageant sa bansa.

Isa na rito ang kinatawan ng Iloilo City na si Alexie Brooks. Nausisa ni Boy Abunda kung natakot ba umano si Chelsea kay Alexie na maituturing na isa sa mga malalapit niyang katunggali.

"I wouldn't say na natakot ako sa kanya. Because she's my best friend," nakangiting sagot ni Chelsea.

Read also

Chelsea Manalo, sa viral 'crown' photo: "hindi ko talaga naramdaman na it would fall"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"She is one of those girls that I have always been with since the competition," dagdag pa niya

Paliwanag ni Chelsea, bagama't magkakalaban ang tingin sa kanila ng mga tao, masasabi niyang naging malapit silang mga kandidata sa isa't isa.

"Many people might say na alam mo 'yun may mga competitors kami behind the scenes but it's never like that. All of us girls are so close ot one another and I hope people would see that behind the stage."

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ni Boy Abunda mula sa GMA Network YouTube.

Si Chelsea Manalo ang bagong hirang na Miss Universe Philippines 2024. Siya ang kinatawan ng Bulacan. Bukod sa nasabing korona, nakuha rin niya ang special award na Miss Jojo Bragais.

Read also

Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

Isa sa mga nang bumati sa pagkapanalo ni Chelsea ay ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee. Nilarawan ni Michelle si Chelsea bilang "woman with a genuine heart."

Samantala, naglabas naman ng kanyang saloobin si Miss Cainta patungkol umano sa kanyang heartbreak sa nasabing paligsahan. Bagama't hindi nasungkit ang korona, siya ang tinanghal na 1st runner-up at iniaalay niya umano ito sa kanyang ina. Aniya, ipagdarasal din niya umano ang pagiging kinatawan ni Chelsea sa Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mexico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel