Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

- Kinaaliwan si Robi Domingo sa kanyang TikTok video kung saan nilakip niya ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

- Naka-tag din si Alden sa kanyang post kung saan na-edit ang video na tila kalahok si Alden sa isang game

- Sa kanyang caption ay pabirong sinabi ni Robi na si Alden na daw yata ang pinaka-intense na player

- Matatandaang lumikha ng ingay ang pag-host kamakailan ni Alden sa Miss Universe Philippines 2024 pageant na ginanap noong May 22, 2024

Kinaaliwan si Robi Domingo sa kanyang TikTok video kung saan inilakip niya ang isang clip mula sa Miss Universe Philippines (MUPH) pageant na nagpapakita ng pag-host ni Alden Richards. Sa naturang video, naka-tag din si Alden, at na-edit ito na tila kalahok siya sa isang game show.

Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards
Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards
Source: TikTok

Sa kanyang caption, pabirong sinabi ni Robi na si Alden na daw yata ang pinaka-intense na player. "The Universe has spoken... siya na yata ang pinaka-intense na player ever!" ani Robi, na agad na nagdulot ng katuwaan sa mga netizens.

Read also

Babae na kausap ni Philmar Alipayo sa viral video, nakiusap na huwag silang gawan ng isyu

Matatandaang lumikha ng ingay ang pag-host kamakailan ni Alden Richards sa Miss Universe Philippines 2024 pageant na ginanap noong Mayo 22, 2024. Ang kanyang mahusay na pagho-host at karisma ay pinuri ng marami, at ngayon ay mas lalong kinaaliwan dahil sa nakakatawang video ni Robi Domingo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Read also

Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'

Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel