Alden Richards, nag-komento sa post ni Robi Domingo: "Makakabawi din ako sa'yo"

Alden Richards, nag-komento sa post ni Robi Domingo: "Makakabawi din ako sa'yo"

- Kabilang si Alden Richards sa nagkomento sa post ni Robi Domingo kung saan naka-tag din si Alden

- Sa naturang post ni Robi ay isinama niya ang ilang video clips mula sa pag-host ni Alden kamakailan sa MUPH 2024

- Pabiro pang binanggit ni Robi sa post ang aniya'y pagiging intense ni Alden sa pag-host

- Sagot naman ni Alden ay makakabawi din siya sa birong ito ni Robi sa kanya kasunod ang kanyang hosting stint na talaga namang lumikha ng ingay

Isang masayang palitan ng mga salita ang naganap sa social media matapos na magkomento si Alden Richards sa post ni Robi Domingo. Sa naturang post ni Robi, ipinakita niya ang ilang video clips mula sa pag-host ni Alden kamakailan sa MUPH 2024.

Alden Richards, nag-komento sa post ni Robi Domingo: "Makakabawi din ako sa'yo"
Alden Richards, nag-komento sa post ni Robi Domingo: "Makakabawi din ako sa'yo"
Source: Instagram

Matatandaang kinaaliwan si Robi Domingo sa kanyang TikTok video na na-edit si Alden na tila kalahok siya sa isang game show.

Read also

Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

Sa kanyang caption, pabirong sinabi ni Robi na si Alden na daw yata ang pinaka-intense na player. "The Universe has spoken... siya na yata ang pinaka-intense na player ever!" ani Robi, na agad na nagdulot ng katuwaan sa mga netizens.

Alden Richards, nag-komento sa post ni Robi Domingo: "Makakabawi din ako sa'yo"
Alden Richards, nag-komento sa post ni Robi Domingo: "Makakabawi din ako sa'yo"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pabiro pang binanggit ni Robi sa kanyang post ang pagiging intense ni Alden sa pag-host. Hindi naman nagpahuli si Alden sa pagbibigay ng tugon at sinabi niyang makakabawi din siya sa birong ito ni Robi.

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Read also

Babae na kausap ni Philmar Alipayo sa viral video, nakiusap na huwag silang gawan ng isyu

Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel