Alex Gonzaga, binati ni Mikee Morada ng 'Happy Mother's Day'

Alex Gonzaga, binati ni Mikee Morada ng 'Happy Mother's Day'

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram story ang nakakaantig na video ng asawa niyang si Mikee Morada

- May dala itong bulaklak at regalo para sa kanya sabay binati siya ng Happy Mother's Day

- Maririnig naman din ang uncle ni Alex na kilala bilang si Uncle Jojo na nagsasalita at nagsabing advance masyado si Mikee

- Marami ang naantig sito lalo at hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pinagdaanan ng mag-asawa matapos hindi matuloy ang pagbubuntis ni Alex

Ibinahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram story ang isang nakakaantig na video na nagpapakita ng tamis at pag-ibig mula sa kanyang asawang si Mikee Morada, na bumati sa kanya ng "Happy Mother's Day."

Alex Gonzaga, binati ni Mikee Morada ng 'Happy Mother's Day'
Alex Gonzaga, binati ni Mikee Morada ng 'Happy Mother's Day'
Source: Instagram

Sa video, kitang-kita si Mikee na may dalang bulaklak at regalo para kay Alex, na may kasabay na masayang pagbati para sa espesyal na araw.

Read also

Vince Flores, binahaging nagkaayos na sila ni Toni Fowler matapos ang matinding away

Maririnig din sa naturang video si Uncle Jojo, na tila nagpahayag ng pagkabigla sa advance na pagbati ni Mikee.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang nasabing video ay hindi lamang nakakatuwang panoorin kundi pati na rin nakakaantig sa puso, lalo na't alam ng publiko ang mga pinagdaanan ng mag-asawa. Isa na rito ang mga matitinding pagsubok na kanilang hinarap, partikular na ang hindi inaasahang pangyayari na nauwi sa hindi matuloy na pagbubuntis ni Alex.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel