Jessa Zaragosa, nagpaliwanag kung bakit naka-makeup siya habang naghuhugas ng plato

Jessa Zaragosa, nagpaliwanag kung bakit naka-makeup siya habang naghuhugas ng plato

- Umani ng komento ang video na binahagi ni Jayda Avanzado kung saan makikita ang mommy niyang si Jessa Zaragosa

- Sinubukan ni Jayda ang husay ng kanyang ina nang hamunin niya ito sa "Finish the Lyrics" challenge

- Kaya naman kumakanta pa rin siya habang naghuhugas ng pinggan at marami ang nakapansin na naka-makeup ito

- Minabuti ni Jessa na sagutin ito para maibahagi niya ang dahilan kung bakit nga ba naka-full makeup siya habang naghuhugas

Sa video na binahagi ni Jayda Avanzado, makikita si Jessa Zaragosa na sumasabay sa "Finish the Lyrics" challenge habang siya ay naghuhugas ng mga plato.

Jessa Zaragosa, nagpaliwanag kung bakit naka-makeup siya habang naghuhugas ng plato
Jessa Zaragosa, nagpaliwanag kung bakit naka-makeup siya habang naghuhugas ng plato
Source: Facebook

Sa caption ng video ni Jayda, sinabi niya, "May nabiktima na naman ako dito sa 'Finish the Lyrics' challenge [laughing emoji] @jessazaragoza #reels #rightloverwrongtime #comedy #jaydarlwt #karaoke."

Sa kanyang post sa Facebook, ibinahagi ni Jessa ang ilang mga screenshot ng mga puna mula sa ilang netizens, kung saan tinanong nila kung bakit naka-full makeup ito habang naghuhugas.

Read also

Kaila Estrada, nagpasalamat sa mga sumuporta kay 'Bettina': "And sorry na rin"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang bahagi ng kanyang sagot, sinabi ni Jessa, "Galing kasi akong show nyan. Pagkababa ng kotse, diretso sa kusina para maghugas ng pinggan. Wala kaming katulong sa bahay kaya ako lang naglilinis ng pinggan sa bahay namin."

Dagdag pa niya, "So minabuti ko ng tapusin na ang gawaing bahay agad bago umakyat sa kwarto para maglinis ng katawan, magtanggal ng makeup, kasi galing nga trabaho sa labas."

Jessa Zaragosa, nagpaliwanag kung bakit naka-makeup siya habang naghuhugas ng plato
Jessa Zaragosa, nagpaliwanag kung bakit naka-makeup siya habang naghuhugas ng plato
Source: Facebook

Jessa Zaragosa, nagpaliwanag kung bakit naka-makeup siya habang naghuhugas ng plato
Jessa Zaragosa, nagpaliwanag kung bakit naka-makeup siya habang naghuhugas ng plato
Source: Facebook

Si Richelle Ann Mallari Loyola-Avanzado o mas kilala sa kanyang screen name na Jessa Zaragoza ay isang commercial model, singer at actress. Nakilala din siya sa bansag na "Phenomenal Diva." Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Sa Aking Puso, Di Ba't Ikaw, Bakit Pa? at marami pang iba. Ikinasal siya sa kapwa mang-aawit na si Dingdong Avanzado noong March 18, 2001.

Read also

Toni Fowler, sinabing naghiwalay sila ni Vince Flores: "Ako din, napupuno din ako"

Sa unang ulat ng KAMI, maituturing ng pamilya ni Jessa na isa sa pinaka-shocking na karanasan ang nangyari kay Dingdong Avanzado. Umuwi umano ito mula sa kanyang paglalaro ng golf na nahihilo matapos siyang kuyugin ng mga bubuyog. Dahil sa kanyang pag-aalala ay sinabihan ni Jessa ang mister na magpasugod na sa ospital ngunit umayaw umano ito. Gayunpaman, napilitan siyang magpa-ospital matapos siyang pagsabihan ng anak at kinalaunan ay naging maayos na umano ang kalagayan nito.

Samantala, sa isang TikTok video ay pinasilip ni Jayda Avanzado ang behind-the-scenes ng pictorial nila. Kasama niya ang kanyang kapwa mga Star Magic stars na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad. Umani ng maraming komento at reaksiyon ang naturang video dahil dito makikita ang muling pagsasama nina Francine at Andrea. Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa kaya marami ang naintriga sa naturang video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel