Toni Fowler, sinabing naghiwalay sila ni Vince Flores: "Ako din, napupuno din ako"

Toni Fowler, sinabing naghiwalay sila ni Vince Flores: "Ako din, napupuno din ako"

- Nabanggit ni Toni Fowler habang nasa live stream niya na break sila ni Vince Flores sa kasalukuyan

- Nang kausapin niya ang kanyang follower sa live niya na nagbahagi ng kanyang problema, hindi napigilan ni Toni na ikwento ang pag-break nila

- Sa kanyang Instagram story, binahagi ni Toni na kakayanin niya dahil aniya ay kinaya niya naman nung una

- Ginamit niya rin sa kanyang post ang hashtag na Back to #Singlemom

Sa kanyang live stream, ibinunyag ni Toni Fowler na sila ni Vince Flores ay hiwalay na. Aniya, napupuno din naman siya kaya mas gusto na lang niyang mag-isa.

Toni Fowler, sinabing naghiwalay sila ni Vince Flores: "Ako din, naupupuno din ako"
Toni Fowler, sinabing naghiwalay sila ni Vince Flores: "Ako din, naupupuno din ako"
Source: Facebook

Hindi napigilan ni Toni na ibahagi ang kanyang update sa kanilang relasyon nang magbahagi ang follower niya tungkol sa pagsubok na pinagdadaanan nito.

Sa kanyang Instagram story, muling ipinahayag ni Fowler ang kanyang determinasyon na lampasan ang hamon na ito, sinasabi na naipagtagumpayan na niya ang mga katulad na pagsubok sa nakaraan at gagawin niya ito muli. Gumamit din siya ng hashtag na #Singlemom sa kanyang post, nagpapahiwatig ng kanyang bagong estado bilang isang magulang.

Read also

Janno Gibbs, nagpakatotoo; Ibinahagi ang dahilan ng pagiging late niya noon sa trabaho

Toni Fowler, sinabing naghiwalay sila ni Vince Flores: "Ako din, naupupuno din ako"
Toni Fowler, sinabing naghiwalay sila ni Vince Flores: "Ako din, naupupuno din ako"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa binahaging ito ni Toni, marami sa kanilang tagasuporta ang nalungkot ngunit umaasa pa rin na magkakabalikan at magkakaayos ang dalawa lalo at pinagbubuntis ni Toni ang kanilang anak.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Carmina Villarroel, naiyak sa nakakaantig na Mother's Day message ni Mavy

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel