Carmina Villarroel, naiyak sa nakakaantig na Mother's Day message ni Mavy

Carmina Villarroel, naiyak sa nakakaantig na Mother's Day message ni Mavy

- Naging emosyonal ang TV host-actress na si Carmina Villarroel dahil sa nakakaantig na Mother's Day message sa kanya ng anak niyang si Mavy

- Ito ay sa bagong episode ng programang 'Sarap, 'Di ba?' na kung saan si Carmina ang host

- Nabanggit ni Mavy sa kanyang mensahe ang tungol sa mga negatibong komento sa kanyang ina

- Aniya, hindi naman nakikita ng mga tao kung ano'ng laman ng puso ng kanyang mama

Sa isang nakakaantig na eksena sa kamakailang episode ng programang Sarap, 'Di ba?, naging emosyonal si Carmina Villarroel matapos marinig ang mensahe ng kanyang anak na si Mavy Legaspi para sa nalalapit na Araw ng mga Ina.

Carmina Villaroel, naiyak sa nakakaantig na Mother's Day message ni Mavy
Carmina Villaroel, naiyak sa nakakaantig na Mother's Day message ni Mavy
Source: Instagram

Sa mensahe ni Mavy, ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang ina, sabay pagsabi na "Kayang-kaya mo. 'Di na kailangan magsalita, 'di na kailangan i-justify or fight the criticism."

Read also

Janno Gibbs, nagpakatotoo; Ibinahagi ang dahilan ng pagiging late niya noon sa trabaho

Tinawag din niyang malaking biyaya ang pagkakaroon niya ng inang gaya ni Carmina, at ibinahagi na naging inspirasyon sa kanya at sa kanyang kapatid na si Cassy ang katatagan at pagmamahal na ipinapakita ng kanilang ina.

Binanggit din ni Mavy na bagama't maraming mga kritisismo at negatibong komento mula sa iba, ang tunay na lakas ni Carmina ay matatagpuan sa kanyang puso na hindi nakikita ng mga tao. Ito raw ang pinakamalaking biyaya para sa kanya, na nagbibigay-daan sa kanila na malalim na maunawaan at mahalin ang kanilang ina sa kabila ng anumang pagsubok.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pagtatapos ng mensahe, binati ni Mavy ng "Happy Mother's Day!" si Carmina, na hindi napigilan ang emosyon at naiyak sa pagmamahal at pagpapahalaga na ipinadama ng kanyang anak.

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Read also

Miss Grace, may makahulugang mensahe tungkol sa 'Justice'

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon - Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Naitanong ni Carmina ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang aswang si Zoren Legaspi sa isang vlog. Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel