Miss Grace, may makahulugang mensahe tungkol sa 'Justice'

Miss Grace, may makahulugang mensahe tungkol sa 'Justice'

- Nag-post si Miss Grace ng kanyang mga panibagong pictures kalakip ng makahulugang caption

- Binahagi niya ang mensahe patungkol sa 'justice' kalakip ang isang picture niya na nakataas ang isang kamay na tila ba ay nanunumpa

- Matatandaang noong umuwi siya dito sa Pilipinas kasama ang anak niyang si Aaron ay nag-post siya ng picture na nagpunta sila sa CIDG

- Meron din siyang post kung saan may abogado siyang kasama ngunit walang binahaging detalye si Miss Grace tungkol dito

Sa kanyang bagong post sa Facebook, nagpakita ng kanyang pagnanais para sa katarungan si Miss Grace. Kasabay ng kanyang post ng mga bagong larawan, ibinahagi niya ang makahulugang caption na nagsasabing, "Truth in action is justice."

Miss Grace, may makahulugang mensahe tungkol sa 'Justice'
Miss Grace, may makahulugang mensahe tungkol sa 'Justice'
Source: Facebook

Sa isa sa mga larawan, makikita si Miss Grace na nakataas ang isang kamay na tila ba nanunumpa, na nagbibigay-diin sa kanyang paniwala sa kahalagahan ng katotohanan at katarungan.

Read also

Janno Gibbs, nagpakatotoo; Ibinahagi ang dahilan ng pagiging late niya noon sa trabaho

Ipinakita rin sa kanyang mga naunang post ang pagbisita nila ng kanyang anak na si Aaron sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kahit na may mga larawan na kasama niya ang isang abogado, nanatiling misteryo ang mga detalye tungkol dito, na nagpapahiwatig ng posibleng mga legal na hakbang na kanyang inaayos.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Read also

Carmina Villarroel, naiyak sa nakakaantig na Mother's Day message ni Mavy

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel