Cristy, sa Pulse Asia Survey: "Palagay ko, meron tayong magiging pangulo na Tulfo ang apelyido"
- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin patungkol sa pinakabagong Pulse Asia Survey
- Ito ay patungkol sa kung sino ang napupusuan ng publiko na maging susunod na pangulo ng bansa
- Nangunguna umano si Senator Raffy Tulfo na sinundan ni Vice President Sara Duterte at ni dating bise presidente Leni Robredo
- Ayon kay Cristy, kung mapapanatili ni Senator Tulfo ang estado sa survey, posible umano na isang Tulfo ang maging susunod na presidente ng Pilipinas
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! nagbigay si Cristy Fermin ng pahayag ukol sa pangunguna umano ni Senator Raffy Tulfo sa pinakabagong survey ng Pulse Asia sa napupusuan umano ng publiko na maging susunod na pangulo ng Pilipinas.
"Ibig sabihin po noon, kapag ginanap ang eleksyon ngayon, siya po ang mananalong tagapamuno ng ating bansa," paliwanag pa ni Cristy.
Subalit, apat na taon pa bago ganapin ang susunod na eleksyon at marami pa umanong mangyari sa loob ng mga taong ito.
Sa naturang survey, naungusan pa ni Tulfo ang kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas na si VP Sarah Duterte na sinundan naman ng dating presidential candidate na si Leni Robredo.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ayon pa kay Cristy, malaking bagay umano ang madalas na pagtulong ni Senator Tulfo sa kababayan nating nangangailangan bago pa man siya magkaroon ng katungkulan sa senado.
"Iba talaga 'yung araw-araw nakikita ano? Saka masang-masa," ani Cristy.
"Ako talaga, malaki ang pag-asa ko na pag ganito nang ganito at na-maintain ni Kuya Raffy 'yung survey na 'to hanggang sa 2028 na. palagay ko, meron tayong magiging pangulo na Tulfo ang apelyido," dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' bago pa man siya magwaging senador sa 2022 national elections. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 27.6 million subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Kasalukuyang nanunungkulan bilang isang senador ng bansa si Tulfo. Gayunpaman, patuloy ang pagtulong ng kanyang programang Raffy Tulfo in Action sa mga kababayan nating labis na nangangailangan lalo na iyong mga naaapi.
Maging ng mga kababayan nating OFW ay nagagawang tulungan ng programa ni Tulfo saang lupalop man sila ng daigdig. Gayundin ang mga kilalang personalidad na dumulog sa kanyang programa ay taos-puso niyang natutulungan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh