OFW sa Israel, nagbigay ng update sa RTIA: "Sanay na ako. Pero ngayon po, worst po talaga"

OFW sa Israel, nagbigay ng update sa RTIA: "Sanay na ako. Pero ngayon po, worst po talaga"

- Nakapanayam ni Senator Raffy Tulfo ang isang Pinay na kasalukuyan ngayong nasa Israel

- Naikwento niya ang umano'y pagpapasabog sa kanilang lugar na malapit na sentro ng gulo sa Gaza

- May group chat o GC na silang mga Pilipino na naroon sa Israel upang ma-update ang isa't isa

- Sa kasamaang palad, doon din nila nalalaman na mayroon nang mga Pilipino na nasawi sa gitna ng kaguluhan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam ni Senator Raffy Tulfo ang Pinay caregiver na si Ms. Lance na kasalukuyang nasa gitna ng bakbakan sa Israel.

OFW sa Israel, nagbigay ng update sa RTIA: "Sanay na ako. Pero ngayon po, worst po talaga"
Senator Raffy Tulfo (Raffy Tulfo in Action)
Source: Youtube

Sa programang Wanted sa Radyo, naikwento ni Ms. Lance ang kabang dulot ng kaguluhan sa kanilang lugar na malapit sa Gaza na siyang sentro ng paglusob ng mga terorista.

Read also

Rey PJ Abellana: "Si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako"

"May time po kasi na ganitong tahimik sa umaga, nagkakaroon kami ng time na mabilisang pagkilos, pero may time kasi na bigla-bigla magkaka-rockets na walang siren. Kaya nagbuo kami ng samahan o GC para makapag-update ang isa't isa. Dito sa Ashkelon, 2 beses nang pinasok ng terorista ang aming lugar, though kami yung nasa center ng pagbomba, 21 kilometers from Gaza, so medyo talagang sadyang nakakatakot. And so far, this morning, nag-update yung isa kong kababyan na meron uling isang Pilipinong nasawi. So may dalawang confirmed noong isang araw, tapos ngayon isa tapos yung isa half Filipino, Suma tutal ay apat na sila. So mayroon pang nawawala. Kung hindi ako nagkakamali apat, tatlo," pahayag ng nagpakilalang si Ms. Lance.

Aniya, halos taon-taon naman umano ang pagpapasabog na ito subalit iba ang tindi ng mga pangyayari sa ngayon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Rey PJ kay Carla: "Honestly kasi hindi nagtapat sa akin ang aking anak"

"Every year po kasi every May of the year talagang meron po silang pinapaulang bomba. Kaya sa amin kasi sanay na kami, Sanay na ako. Pero ngayon po, worst po talaga kasi namamasok na 'yung kalaban," dagdag pa ni Ms. Lance.

Mayroon din umanong shelter sa lugar ng kanyang employer kung saan pinapunta na rin niya ang isa pang Pinay para sa seguridad nito.

Pinili nilang manatili sa shelter na ito sakaling makaalis, ngunit ang lugar na pupuntahan ay wala umanong shelter, mas lalo raw mapanganib.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' bago pa man siya magwaging senador sa 2022 national elections. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 26.9 million subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Bamboo, to the rescue kay Sarah G na hirap sa pagkanta dahil umano sa health condition

Kamakailan, dumulog sa programa niya ang mga umano'y nabiktima ng investment scam ng dating miyembro ng Streetboys at isang content creator na si Yexel Sebastian. Pawang mga subscribers nina Yexel at asawa nitong si Mikee Agustin ang sinasabing nabiktima.

Karamihan sa kanila ay mga OFW na nagtiwala sa mag-asawa base na rin sa kanilang mga naibabahagi sa social media at bilang mga kilalang personalidad online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica