Ogie D, sa mga fans ni Janine Gutierrez, "Kung feeling niyo naka-offend kami, I am sorry"

Ogie D, sa mga fans ni Janine Gutierrez, "Kung feeling niyo naka-offend kami, I am sorry"

- Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa mga umano'y umalmang fans ni Janine Gutierrez

- Ito ay matapos niyang mabanggit na isa umano siyang fan ng tambalang KimPau nina Kim Chiu at Paulo Avelino

- Matatandaang si Paulo ang sinasabing ex-boyfriend na ngayon ni Janine

- Gayunpaman, paalala ni Ogie na may mga pagkakataon talaga umano na maaring hindi magustuhan ng ilan ang naibabalita nila sa kanilang YouTube channel

Naglabas ng kanya umanong pahayag si Ogie Diaz patungkol sa umano'y naging reaksyon ng fans ni Janine Gutierrez.

Ogie D, sa mga fans ni Janine Gutierrez, "Kung feeling niyo naka-offend kami, I am sorry"
Ogie D, sa mga fans ni Janine Gutierrez, "Kung feeling niyo naka-offend kami, I am sorry" (@janinegutierrez)
Source: Instagram

Tila umalma umano ang mga ito matapos niyang mabanggit na isa umano siyang KimPau fan ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino.

"'Di naman natin dito tinitira si Janine. Binabalita lang namin dito," paglilinaw ni Ogie.
"Hindi niyo naman kami pwedeng diktahan kung ano ang gusto naming sabihin, ang gawin naming opinyon dito at ibalita siyempre. May mga pagkakataon na hindi niyo magugustuhan yung mga balita namin lalo na kung sobra kayong fanatic sa isang celebrity," ani Ogie.

Read also

Ivana, ido-donate sa Antipolo church ang lahat ng kikitain ng isa niyang vlog

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Edi kung gusto niyo silang ipagtanggol e ang dami niyo namang platforms diyan, mga socmed accounts niyo. Edi dun kayo magbuga. Or gumawa rin kayo ng channel, dun kayo magbuga," dagdag pa niya.

Gayunpaman, nagawa pa ring mag-sorry ni Ogie sa mga fans ni Janine.

"Kung feeling niyo naka-offend kami, I am sorry."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa sa kanyang Showbiz Update channel:

Si Janine Gutierrez ay isang Filipina actress, model, at host.Siya ay anak ng aktres na si Lotlot de Leon at aktor na si Ramon Christopher Gutierrez. Nag-umpisa siya bilang isang Kapuso subalit ngayo'y bumibida na siya sa Kapamilya serye na Dirty Linen. Bumida rin siya sa ilang mga Netflix movies tulad ng 'Ngayon Kaya' kung saan kasama niya si Paulo Avelino.

Read also

Ogie D, sa nagtatanong kung nanliligaw daw si Jericho kay Kathryn: "Di ko alam ang isasagot"

Kamakailan, naging emosyonal ang guesting niya sa Magandang Buhay nang maikwento niya ang dahilan bakit niya noon gustong mag-artista at ito ay dahil sa kanyang yaya na na-diagnose na may cancer. Sa panayam naman kay yaya Pat na naroon din sa programa, naisiwalat nito na inalala rin niya si Janine nang malaman niya ang kanyang karamdaman.

Samantala, sa kanyang YouTube channel, nagkaroon ng pagkakataon na maging panauhin niya ang kanyang ina na si Lotlot. Doon, kanyang nabanggit na 'pride and joy' niya ang maging anak ni Lotlot at sinamantala na rin niya ang pagkakataong pasalamatan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel