Ivana, ido-donate sa Antipolo church ang lahat ng kikitain ng isa niyang vlog

Ivana, ido-donate sa Antipolo church ang lahat ng kikitain ng isa niyang vlog

- Espesyal umano ang pinakabagong vlog ni Ivana Alawi na inilabas ngayong unang araw ng Abril

- Lahat umano ng kikitain sa vlog na ito ay ido-donate niya sa Antipolo church

- Ayon kay Ivana, espesyal umano ang naturang simbahan sa kanya kung saan natupad ang inakala niyang imposibleng kahilingan

- Sa naturang vlog din maraming natulungan si Ivana dahil sa pamamahagi niya ng biyaya sa street prank malapit sa Antipolo church

Ido-donate ni Ivana Alawi ang lahat umano ng kikitan ng kanyang 'Street prank sa simbahan' vlog na inilabas ngayong Abril 1.

Ivana, ido-donate sa Antipolo church ang lahat ng kikitain ng isa niyang vlog
Ivana Alawi
Source: Instagram

Sa umpisa ng video nakiusap si Ivana na sana'y i-share ang naturang video at kung may ads man, huwag daw itong i-skip.

"Please share this video at kung may makita kayong ads, please don't skip kasi lahat po ng kikitain ng vlog na ito ay ido-donate natin sa Antipolo church."

Read also

Ogie D, sa nagtatanong kung nanliligaw daw si Jericho kay Kathryn: "Di ko alam ang isasagot"

Dahil dito, ipinaliwanag din ni Ivana kung bakit sa dinami-rami ng simbahan sa bansa, iyon pa ang kanyang napili.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Siguro iniisip niyo bakit Antipolo church. Sobrang meaningful at sobrang special ng church na 'to sa'kin."

Naikwento niya ang kanilang pag-aalay lakad ng kanyang ate mula Santa Mesa hanggang Antipolo church kung saan inabot umano sila ng walong oras.

"Naalala ko habang naglalakad ako papunta sa simbahan na 'yun ay nagwi-wish ako. May hinihiling talaga ako kay Lord... Lord sana matupad 'tong pangarap ko tapos sobrang imposible ng wish ko. As in ako, sabi ko parang imposible naman... Guys, tinupad ni Lord 'yung pangarap ko"

Narito ang kabuuan naturang video:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel